Lucas "LOLO!" INALIS ni Lucas ang tingin kay Lianne at inilipat niya iyon sa apo na si Tyler nang marinig niya ang pagtawag nito sa kanya habang nag-uusap sila ng masinsinan nina Lianne. Hindi nga din niya napigilan ang mapakunot ng noon nang tuluyan itong nakalapit sa kanya. "Why did I tell you?" tanong ni Lucas kay Tyler, hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha. Kinagat naman ni Tyler ang ibabang labi nito. At nang hindi pa ito sumasagot ay nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Didn't I tell you not to interrupt when the adults are talking?" "S-sorry po, Lolo," paghingi ni Tyler ng paunmanhin sa kanya. "Lucas," sita naman sa kanya ng asawa na si Dianne. "He still a kid." "Habang bata pa ay dapat alam na niya ang mga bagay na iyon," giit naman niya. "Tyler, go to your roo

