NAGMULAT ng mga mata si Catherine ng maramdaman niya na may mumuntik halik na tumatama sa kanyang pisngi. At nang magmulat siya ng mga mata ay tumambad sa kanyang mga mata ang gwapong mukha ng anak na si Calvin, nakatunghay ito habang ma ngiting nakapaskil sa labi. Hindi naman niya napigilan ang pagsilay ng ngitin sa labi niya nang magtama ang mga mata nila. Ang sarap talagang gumising kapag ang mukha ng anak na nakikita. Ibinukas naman ni Catherine ang dalawang braso. Agad namang nakuha ng anak ang ibig niyang sabihin ng pumaloob ito sa nakabukas na braso niya. "Good morning, Calvin ko," wika ni Catherine ng yakapin niya ito ng mahigpit. "Good morning, Mommy ko," wika din nito habang humihigpit din ang yakap nito sa kanya. Ilang saglit nga din silang magkayakap na dalawa hangga

