NANG masiguro ni Catherine na nailagay na niya sa tote bag ang mga gamit na dadalhin niya sa pamamasyal nila ng anak ay isinukbit na niya iyon sa balikat at saka na siya lumabas ng kwarto para puntahan ang anak. Every saturday ay namamasyal silang dalawa ni Calvin. Family day nilang dalawa iyon, kung hindi sa Mall o parke sila mamasyal ay sa beach sila nagpupunta na dalawa. At nang sandaling iyon ay sa parke malapit lang sa lugar nila sila pupunta. Iyon kasi ang gusto ng anak nang tanungin niya ito kung saan nito gusto mamasyal. Kaya pinagbigyan niya dahil kung saan ito masaya ay doon siya. Naayos na nga din niya ang dadalhin nila sa park, nasa kotse na ang carpet na ilalatag niya mamaya doon. At pagdating naman sa pagkain ay bibili na lang siya ng fast food chain. Magluluto sana siya

