MINASAHE ni Travis ang sentido nang biglang sumakit iyon pagkatapos niyang makausap ang secretary niyang si Chris. Inimporma siya ni Chris na umalis na si Tito Lucas sa labas ng opisina niya. Mahigpit kasi niyang ibinilin dito na kapag nagpunta ito sa opisina niya ay sabihin nitong wala siya o hindi kaya ay busy siya at hindi siya tumatanggap ng bisita. Ayaw ni Travis na makausap si Tito Lucas dahil alam na niya ang sasabihin nito. Gusto nitong hiwalayan niya si Catherine at tupadin ang pangako niya dito na pakasalan niya ang anak nitong si Lianne, na panagutan niya ang bata na sinapupunan nito. To be honest, he was completely shocked when he found out that Lianne was pregnant, and even more so when she said she was already six months along, and that he was the father of the child sh

