"CATHERINE, wake up." Isang ungol lang ang pinakawalan ni Catherine ng marinig niya iyon. At sa halip na magmulat ng mga mata ay isiniksik niya ang sarili sa yakap-yakap niya ng sandaling iyon. "Wake up, Catherine, or I'll wake you up in a different way," narinig pa niya. Sa halip na magmulat ng mga mata ay nanatili siya sa kanyang posisyon. Ayaw pa niyang magmulat ng mga mata dahil gusto pa niya ang pakiramdam na init na nagmumula sa niyayakap niya. “Okay. This is your choice,” he said, his voice husky. Sa sumunod na sandali ay wala siyang naririnig. Pero mayamaya ay mabilis siyang nagmulat ng mga mata nang maramdaman niya na may pumasok na isang mainit na kamay sa suot niyang pajama. At pagmulat ng kanyang mga mata ay ang nakangising mukha ni Travis ang una niyang nakita. "T

