INALIS ni Catherine ang tingin sa binabasang libro ng marinig niya ang pagtunog ng ringtone ng cellphone niyang nakalapag sa ibabaw ng center table. Kinuha naman iyon ni Catherine para tingnan kung sino ang tumatawag at nakita niyang si Anna iyon. Nang makita ito ang tumatawag ay agad niyang sinagot ang tawag nito. "Hello?" "Catherine," sambit naman nito sa pangalan niya pagka-hello niya. "Oh, Anna. Napatawag ka?" tanong naman niya dito. "Busy ka ba?" "Hindi naman," sagot niya dito. "Bakit mo naitanong?" "Let's meet. Matagal ka na din namin hindi nakakasama ni Brad na kumain sa labas. Nami-miss ka na namin," wika nito sa kanya. "At saka may pasalubong daw sa atin si Brad galing sa business trip niya," dagdag pa na wika nito sa kanya. Dalawang linggo na din na hindi niya naki

