NAGMULAT ng mga mata si Catherine ng hindi na naman siya dalawin ng antok. Kanina pa niya sinusubukan na matulog, pero hindi pa din siya dalawin ng antok. Gusto kasi niyang makatulog na siya agad bago pa bumalik ng kwarto si Travis, hindi kasi ito babalik ng kwarto kung hindi nito alam na tulog na siya. Babalik lang ito kapag nalaman nitong mahimbing na siyang natutulog. At minsan ay hatinggabi na ito babalik. Minsan ay nagpapanggap lang siyang tulog kapag nararamdaman niya ang pagpasok nito sa kwarto. At kapag tumatabi na ito sa kanya, iyong pagkukunwari niyang magtulog-tulugan ay nagkakatotoo. Because the moment Travis lay beside her, she would instantly fall asleep. Naisip naman ni Catherine na dahilan kung bakit nakakatulog agad siya kapag tumatabi na ito ay dahil naamoy niya an

