NANG matapos maligo ni Travis ay kinuha niya ang tuwalyang nakasabit at saka niya ibinalot sa ibabang bahagi ng katawan. Kinuha din niya ang isang tuwalya at ginamit iyon para punasan naman ang basang buhok. Pagkatapos ay lumabas siya ng banyo. Nagpatuloy siya sa paghakbang patungo sa kanyang walk in closet. Pero napatigil si Travis sa paglalakad nang may mahagip siyang nakapatong sa ibabaw ng kama niya. Nilapitan naman niya iyon. At nakita ni Travis ang na nakapatong do'n ang susuotin niya sa pagpasok sa trababo. His long-sleeved shirt, tuxedo, pants, and necktie, even his briefs. And he didn’t even need to ask who had prepared them. It's Catherine. Acting a wife again. Pero sa halip na i-ignore ang mga inihanda nito gaya ng dati ay dinampot ni Travis iyon at isinuot. And it se

