Chapter 152

1246 Words

ABALA sa pagluluto si Catherine ng mapatigil siya ng marinig niya ang pagtunog ng doorbell sa labas ng condo niya. Itinigil naman niya ang ginagawa para pagbuksan kung sino ang nasa labas ng pinto. Humakbang naman siya patungo do'n, hindi na nga din siya nag-abalang sumilip sa peephole para tingnan kung sino ang nasa labas, binuksan niya iyon. Pero sana ay sumilip na lang muna siya sa peephole nang makita niya kung sino ang nasa labas ng condo niya. Si Travis. At nang magtama ang mga mata nila ay agad na sumilay ang ngiti sa labi nito. At hindi naman napigilan ni Catherine ang mapawang ang labi nang makita iyon. Noon, hirap na hirap itong ngitian siya pero ngayon ay ang dali-dali na para dito na ngumiti para sa kanya. At ito naman ang puso niya, nang makita iyon ay halos maghumerenta

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD