LIANNE KUMUNOT ang noo ni Lianne nang nang hindi niya ma-contact si Travis ng subukan niya itong tawagan. Muli niyang idinial ang numero nito. At gaya ng una ay hindi pa din niya ito ma-contact. Hindi niya alam kung lowbatt ba ito. Pero naisip niyang hindi naman nagpapa-lowbatt si Travis ng cellphone. Ibig sabihin ay nakapatay ang cellphone nito. Bakit nakapatay? Alam ba nito na tatawagan niya ito kaya pinatay nito ang cellphone? Pansin kasi niya na kapag tatawag siya dito ay matagal nitong sinasagot ang tawag na para bang nagdadalawang isip ito kung sasagutin ba niya? At minsan nga ay hindi nito sinasagot ang tawag niya, inaabot pa nga ng ilang oras bago ito mag-return call sa kanya. Kaya madalas ay tinuturuan niya si Calvin kung ano ang sasabihin nito kung sakaling sinagot na ni Travis

