Chapter 154

1141 Words

"MOMMY?" Napatigil si Catherine sa pagsuklay ng kanyang buhok nang marinig niya ang pagtawag sa kanya ni Calvin. "Yes?" tanong naman niya dito nang magtama ang mga mata nila. "Pasok ka na po work?" tanong nito sa kanya nang humakbang ito palapit sa kanya, tiningala nga din siya nito para magtama ang paningin nila. Tumango naman siya bilang sagot. "Bakit mo naitanong?" Nakita naman niya ang pag-iling nito. Pero pansin niya sa ekspresyon ng mukha nito na may gusto itong sabihin sa kanya. Yumuko naman siya para magpantay ang mukha nila. At saglit nga din siyang natigilan nang mapatitig siya sa mga mata nito. Bigla na naman niyang naalala si Travis, lalo na iyong sagot nito sa anak niya ng magtanong si Calvin kung gusto ba siya nito kaya gusto siya nitong ligawan. "Hindi lang gusto

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD