NAPATINGIN si Catherine kay Travis nang makita niya ang pagbaba nito ng kotse ng ihinto ng driver nito ang minamaneho sa parking lot ng restaurant kung saan sila magkikita ni Mr. Quintos. At bago pa ito tuluyang makalapit sa gawi niya ay binuksan na niya ang pinto at saka na siya bumaba do'n. Hindi na niya nahintay na pagbuksan siya nito ng pinto. Napansin naman ni Catherine na napatigil si Travis mula sa paglapit sa kanya nang makita siya nito na nakababa na ng sasakyan. "Can you wait for me to open the door for you, Catherine?" wika ni Travis sa kanya. "K-kaya ko namang buksan ang pinto," sagot niya dito sa halos mahinang boses. "But I want to do it for you," wika ulit sa kanya ni Travis habang ang mga mata ay hindi pa din inaalis sa kanya. Bumuka-sara naman ang labi niya. Hindi

