ANNA "MA'AM Anna, ito po iyong gamit ni Calvin," wika sa kanya ni Mae nang i-abot nito sa kanya ang bag na naglalaman ng ilang damit ni Calvin. Gusto kasi niyang ipasyal ito, gusto niyang bumawi sa inaanak na matagal na hindi niya nakita at nakasama. Halos limang taon din kasi niya itong hindi nakita ng personal. Sa video call lang niya nakikita ito dahil pinapasundan sila ni Travis sa mga tauhan nito. Mukhang alam nito na may ideya sila kung saan nagtago si Catherine ng limang taon. Naitawag nga din ni Anna sa kaibigan na ipapasyal niya ang anak nito, pumayag naman ito. Basta ingatan daw niya si Calvin at huwag daw niyang aalisan ng tingin dahil baka daw mawala ito. At kahit na hindi naman sabihin sa kanya ni Catherine iyon ay iyon ang gagawin niya. Hindi nga lang din niya ipapasya

