GANOON na lang ang panlalaki ng mga mata ni Catherine ng pagbukas niya ng pinto ay ang mukha ni Travis ang nakita niya. Hindi niya inaasahan na ito ang mapapabuksan niya ng pinto dahil sobrang aga pa. Alas sais pa nga lang ng umaga at kagigising lang niya. Kaya nga malakas ang loob ni Catherine na buksan ang pinto dahil iniisip niyang nurse o hindi kaya doctor iyon. But it turn out na si Travis pala. At bakit nandito na naman ito? Wala ba itong kompanyang pinapatakbo? Hindo ba ito busy? "Good morning, Catherine," Travis greeted her in a full, steady voice, his gaze fixed on her. Sa halip na gumanti ng bati ay iniwas ni Catherine ang tingin dito. Pasimple nga din niyang kinagat ang ibabang labi nang maalala niya ang pinag-usapan nilang dalawa ng Mama niya. Sa totoo lang ay halos hin

