NANG magising ang ama at nang malaman nila ang nangyari dito ay halos hindi na umalis ang Mama niya sa tabi ng ama. Talagang ipinakita at ipinaramdam nito ang pagmamahal nito sa kanyang ama. She never left his side, staying true to the vows they made on their wedding day: in sickness and in health. Binibigyan nito ng lakas ng loob ang Papa niya na gagaling ito, na babalik ito sa dati. Na babalik ang lakas dito. Her father was paralyzed on one side of his body. Nagpapasalamat pa din siya kahit papaano dahil iyon lang ang nangyari dito. Hindi ito vegetative state. Sa totoo lang, nang malaman niya ang nangyari dito ay naawa siya sa ama, hindi lang iyon, natakot din siya na baka hindi na ito gumaling at maging bedridden na habang buhay. The doctor said her father could recover with the r

