NAPATINGIN si Catherine sa Mama niya ng tumunog ang ringtone ng cellphone nito. Nakita nga din niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito nang tingnan nito ang cellphone. At bago nito iyon sagutin ay nakita niya ang pagsulyap nito sa kanya. "Catherine, ikaw muna ang bahala sa Papa mo. Sagutin ko lang itong tawag," paalam sa kanya ng Mama niya. Nang tumango siya ay lumabas ang Mama niya ng private room. Mukhang ayaw nitong iparinig sa kanila ang pag-uusapan ng tumawag dito dahil lumabas pa ito. Humakbang naman si Catherine kung saan nakahiga ang Papa niya. Tulog ito ng sandaling iyon. Hinahayaan naman nila itong makapagpahinga para mabawi nito ang lakas. At habang hinihintay ni Catherine ang Mama niya na bumalik ay kinuha din niya ang cellphone para tawagan si Mae para makausap ang a

