Chapter 2

1664 Words
"BAKIT gising ka pa?" Napaayos si Catherine mula sa pagkakaupo niya nang marinig ang malamig na boses na iyon ni Travis. Dahan-dahan nga siyang nag-angat ng tingin at sumalubong sa kanyang mata ang malamig na ekspresyon na mga mata nito. Napansin nga din niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito habang nakatingin sa kanya. Saglit niyang kinagat ang ibabang labi. "H-hinihintay kita," sagot niya dito, lihim nga niyang pinagalitan ang sarili dahil sa pagkautal ng boses niya ng magsalita. Hindi siya makatulog ng sandaling iyon kaya naisipan niyang hintayin na lang si Travis. Medyo nag-aalala din kasi dahil minsan ay umuuwi ito ng lasing, nag-aalala siya na baka may mangyaring masama dito. At dahil nakatingin siya kay Travis ay napansin niya ang pagtaas ng isang kilay nito, maliban sa galit na nakabalatay sa mga mata nito ay wala na siyang ibang nakikitang emosyon doon. At sa tuwing tumititig siya sa mga mata nitong walang emosyon ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng kirot sa puso nya. "Acting like a good wife?" tanong ni Travis sa kanya sa malamig pa ding boses, bakas nga din sa boses nito ang pag-uuyam. Bubuka sana ang bibig niya para sana magsalita nang mapatigil nang muli ito magsalita. "Stop acting like my wife. Dahil asawa lang kita sa papel, Catherine. I don't consider you as my wife, and remember that always. So, stop acting like my wife because you're just wasting your time," malamig pa ding ang boses na wika nito. Hindi na nga din siya nito binigyan ng pagkakataon na makapagsalita dahil umalis na ito nagpatuloy na ito sa paghakbang. Kinagat naman ni Catherine ang ibabang labi ng maramdaman niya ang pamamasa ng magkabilang mga mata niya dahil sa sakit na naramdaman ng puso dahil sa sinabi ni Travis sa kanya. Na hindi na lang ibang tao sa buhay niya. Dahil ang lalaki ay asawa na niya. Yes. Asawa na niya si Travis dahil nang malaman ng magulang, lalo na ang ama na buntis siya ay nagpakasal silang dalawa. Nang malaman kasi ng magulang niya na buntis siya at si Travis ang ama ay kinausap ng mga ito ang lalaki. At ang sumunod na kinausap ng magulang ay si Lianne din. Wala namang ideya kung ano ang pinag-usapan ng mga ito dahil hindi siya sinama. Pero nang makita niya ang madilim na ekspresyon ni Travis at nang makita niya na umiiyak si Lianne nang lumabas ito ng library ay may ideya na siya kung ano ang napag-usapan ng mga ito. At na-confirm na tama siya ng sumunod siyang kausapin ng magulang. At sinabi ng mga ito ang gustong mangyari ng mga ito. Gusto ng magulang niya na panagutan ni Travis ang nangyari sa kanila, lalo na ang pinagbubuntis niya. Ayaw ng magulang na lumabas ang anak na walang ama. Ayaw ng mga ito na madehado siya dahil sa nangyari. Tumanggi siya sa gustong mangyari ng magulang dahil ayaw niyang saktan si Lianne na alam niyang mahal na mahal nito si Travis. At kahit na mahal niya ang lalaki ay ayaw naman niyang itali ito sa kanya. Baka isipin nito na ginagamit niya ang pinagbubuntis para itali si Travis sa buhay niya. Pero hindi siya pinakinggan ng ama. Ipinilit ng ama ang gusto nitong mangyari na magpakasal silang dalawa ni Travis. Hindi daw ito papayag na lumabas ang apo na walang ama. Dapat panagutan siya ni Travis. At hindi din niya alam kung ano ang sinabi ng magulang kay Travis para mapapayag itong pakasalan siya. It was force marriage between them. Dahil dalawang araw bago nalaman ng mga ito na buntis siya ay pinakasal silang dalawa ni Travis. Na tanging ang judge at ang mga magulang lang ang witness sa kasal nila. Sa side ni Travis ay walang pumunta, wala siyang ideya kung alam ba ng magulang nito ang tungkol sa pagpapakasal nila at tungkol sa pagbubuntis niya. Pero mukhang walang ideya ang mga magulang nito dahil hindi dumalo ang mga ito sa civil wedding nilang dalawa. At sa nangyari ay umalis si Lianne at hindi nila alam kung saan ito nagpunta. She ranway without a trace. At alam niyang nasaktan ito sa mga nangyayari. Naiintindihan naman niya ito, dahil kung siya ang nasa posisyon ni Lianne ay ganoon din ang gagawin niya. Aalis din siya at hindi magpapakita. At sa nangyari kay Lianne ay mas nagalit si Travis sa kanya. Siya ang sinisisi nito sa lahat, gusto naman niyang ipagtanggol ang sarili dahil sa totoo lang ay hindi lang din naman niya iyon kasalanan. Silang dalawa ang gumawa noon. At hindi lang si Travis ang nagalit sa kanya, pati na din ang mga magulang ni Lianne. At mas lalong nagalit si Travis sa kanya sa nangyari. At hindi nga lang si Travis sa kanya pati na din ang magulang ni Lianne. They call her names. Gaya ni Travis ay siya ang sinisisi ng mga ito. Tinanggap lang din naman niya ang mga masasakit na salitang binibitawan ng mga ito sa kanya dahil naiintindihan niya ang nararamdaman ng mga ito. Magulang ang mga ito at masakit para sa mga ito na makita na nasasaktan ang anak--si Lianne. Nagalit nga din ang mga ito sa magulang niya. Bakit daw kailangan pilitin ng mga ito si Travis na pakasalan siya. Pwede naman daw sustentuhan ni Travis ang anak sa kanya, hindi na daw kailangan na pakasalan siya. Pero pinanindigan ng ama ang desisyon nito. At hindi lang ang relasyon niya sa mga ito ang nasira, pati na din ang relasyon ng mga magulang. At dalawang linggo na ang lumipas simula noong ikasal sila ni Travis. But Travis never treated her as his wife. He was cold to her. Sa bahay nga siya nito nakatira pero mabibilang lang sa kamay niya ang pagkakataon na makasama niya ito. Bihira nga din silang mag-usap at magkita na dalawa. Nagigising kasi si Catherine na wala na ito, mukhang maaga itong pumapasok sa trabaho at gabing-gabi na nga din itong umuuwi. At kung hindi lang niya ito hihintayin na uuwi ay hindi niya ito makikita. At sa tuwing nagkikita o nagkakausap naman sila pinaparamdam talaga nito how he despise her, na para bang napipilitan lang ito na pakisamahan siya. Mukhang gusto ni Travis na pahirapan siya. Na mali ang desisyon niyang pagpayag na magpakasal silang dalawa. At sa tuwing nararamdaman niya iyon ay nakakaramdam ang puso niya ng sakit. Pakiramdam niya ay may punyal na sumasaksak sa puso niya sa tuwing nararamdaman niya na balewala lang siya dito. Dapat nga hindi na iyon maramdaman ni Catherine dahil sa sitwasyon nila ay expected na niya iyon pero hindi pa din niya maiwasan dahil nga mahal niya ito. Humugot na naman si Catherine ng malalim na buntong-hininga. Hinawakan nga din niya ang manipis pa din tiyan para kumuha ng suporta sa batang nasa sinapupunan niya. Sa tuwing ganoon ang trato ni Travis sa kanya ay sa anak siya kumukuha ng lakas. "K-kaya natin ito, anak. Matatanggap din tayo ng Papa mo," pagkausap niya sa anak sa garalgal na boses. Hindi nga din niya napigilan ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata dahil sa emosyon na nararamdaman. For the nth time, Catherine took a deep breath again. Pagkatapos niyon ay umakyat siya sa taas para sundan si Travis. Alam niyang ayaw siya nitong makita pero gusto pa din niyang gawin ang responsibilidad niya bilang asawa nito. Kahit na hindi siya nito itinuturing na asawa ay gusto pa din niyang gawin ang responsibilidad niya hindi dahil gusto niyang mahalin din siya nito, alam kasi niyang hindi mangyayari iyon. Because Travis is in love with Lianne. At ilang beses nito iyong sinabi at ipinamukha sa kanya. Ginagampanan lang niya ang responsibilidad niya dahil sa sinumpahan niya sa harap ng judge na nagkasal sa kanila. Kumatok si Catherine sa pinto ng master bedroom. Wala siyang narinig na salita kaya napagpasyahan niyang pihitin ang seradura at pumasok siya sa loob. Agad naman tumuon ang tingin ni Catherine sa coat ni Travis na nalaglag sa kama, mukhang basta lang nito iyong inihagis sa kama pagkapasok nito doon. At base na din sa naririnig niyang lagaslas ng tubig sa banyo ay mukhang naroon si Travis, naliligo. At habang hindi pa lumalabas si Travis ay kailangan na niyang gawin kung bakit siya naroon. Baka kasi kapag nakita na naman siya nito doon ay magalit na naman ito. Humakbang siya palapit sa coat nitong nalaglag sa sahig at saka niya iyon inilagay sa laundry basket. Pagkatapos ay humakbang siya palapit patungo sa walk in closet nito. Kumuha siya ng damit pantulog nito. Isang puting t-shirt at pajama, kumuha na din siya ng underwear nito at dinala niya iyon sa ibabaw ng kama. Saktong pagkalapag niya sa mga iyon ng maramdaman niya ang pagbukas ng pinto sa banyo. At nang mapatingin siya doon ay nakita niya si Travis, tapos na itong naligo. At hindi niya napigilan ang mapaawang ang labi nang makita niya ang hitsura nito. Tanging maliit lang na tuwalya ang tanging tumatakip sa kahubadan nito. And his bulge is evident on the towel. Pansin din niya ang pagtulo ng tubig sa buhok at sa katawan nito. "What are you doing her?" he asked her in a cold but baritone voice. Agad naman niyang itinikom ang bibig ng marinig niya ang malamig na boses na iyon ni Travis. "N-ni-ready ko lang ang isusuot mo," sagot niya dito. Napansin niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito. "I told you, don't waste your time being a good wife, Catherine. Because it doesn't change anything. You are not my wife," he said in a cold voice. "At sa susunod ay huwag mong pakikialam ang mga gamit ko, ayokong may ibang tao na nakikialam sa mga gamit ko." Hindi talaga siya nito itinuturing na asawa dahil para kany Travis ay ibang tao siya. She felt a pang in her heart. "And next time again, don't enter my room without my permission. I don't want you here in my room," dagdag pa na wika nito. "Do I make myself clear?" "Y-yes."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD