Chapter 3

881 Words
MABILIS na bumangon si Catherine mula sa pagkakahiga niya sa kama nang maramdaman niya ang paghahalukay ng kanyang tiyan. Tutop nga niya ang bibig ng nagmadali siyang pumasok sa loob ng banyo. At pagpasok ay agad siyang lumapit sa may sink at sumuka siya doon. At gaya na lang ng dati ay puro laway lang ang naisuka niya. At pagkatapos ngang iyon ay nakaramdam siya ng paghihina. Naiiyak siya sa kalagayan niya ng sandaling iyon. Mag-isa lang kasi siya, walang nag-aasikaso sa kanya. Lalo na sa kondisyon niya. Inaasahan naman niya si Travis dahil asawa niya ito at anak din naman nito ang dinadala niya. Pero anong aasahan niya sa lalaki na walang pakialam sa kanya? Na hindi siya itinuturing na asawa. Pero sana man lang kahit na hindi siya nito mahal? Sana sa anak na lang na dinadala na lang niya ito ng pakialam. Kahit na huwag na lang siya. Kapag may gusto nga siyang kainin ay tinatawagan pa niya ang kaibigan para ibigay iyon sa kanya. Nanatili naman si Catherine sa ganoong posisyon. At sa tingin niya ay kaya na niyang kumilos ay lumabas na din siya patungo sa banyo. At sa halip na humiga muli sa kama ay naisipan niyang lumabas ng kwarto para kumuha ng tubig. Bigla kasi siyang nakaramdam ng pagkauhaw. Lumabas si Catherine ng kwarto at saktong paglabas niya ay ang paglabas din ni Travis sa master bedroom. Nagkagulatan nga silang dalawa. Pero nang makabawi ng pagkabigla ay agad na sumeryoso ang ekspresyon ng mukha nito. At mayamaya ay napansin niya ang pagsasalubong ng kilay nito ng bumaba ang tingin nito sa suot niya. And she noticed the dark in his eyes as his gaze focused on her breast. Sinundan naman niya ang tinitingnan nito at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata nang makita niya ang n*****s niyang bakat sa suot niya. She was wearing her white nighties. At hindi siya nakasuot ng bra, hindi kasi siya nagsusuot ng bra kapag matutulog na siya. At nang sandaling iyon ay visible ang n****e niya sa suot. At nang sandaling iyon kahit na hindi siya nakatingin sa sariling repleksiyon sa salamin ay alam niyang pulang-pula ang magkabilang pisngi niya. Mabilis naman siyang tumalikod at saka siyang muling pumasok sa loob ng kwartong tinutuluyan. Pagpasok nga niya sa loob ng kwarto ay hinawakan niya ang nag-iinit na pisngo dahil sa nararamdamang embarassment. Why are you embarass, Catherine. Magkakaanak na nga kayong dalawa, wika ng isipan. Well, kahit na magkakaanak sila ay hindi pa din niya maiwasan ang mag-init ng pisngi. Lalo na noong may mangyari sa kanila ay pareho silang lasing. Kunti lang ang naaalala niya. Saglit siyang hindi kumilos hanggang sa kinuha niya ang robe at saka niya iyon isinuot sa ilalim ng suot ng nighties. Pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto. Wala na si Travis sa kinatatayuan nito kanina, mukhang bumaba na ito. Bumaba na din si Catherine. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa kusina. "Good morning, Ma'am Catherine," bati sa kanya ni Lily, isa sa maid ni Travis sa bahay nito. "Good morning, Lily," ganting bati din ni Catherine sa babae. "Magbi-breakfast na din ba kayo?" mayamaya ay tanong nito sa kanya. Napatingin si Catherine sa gawi ni Travis. Nakaupo na ito sa harap ng dining area. At mukhang mag-uumpisa na din itong kumain. Hindi nga din niya napigilan na bumaba ang tingin sa pagkain na nasa hapag. Nang sandaling iyon ay bigla siyang natakam. Gusto na din niyang kumain. Pero nang maalala niyang ayaw siyang makasabay ni Travis ay nakangiting umiling naman siya. Baka kasi kapag sumabay siya ay bigla na lang itong tumayo mula sa pagkakaupo nito, ginawa na kasi nito iyo sa kanya minsan. Unang araw niya noon sa bahay nito. Tinawag siya ni Lily para kumain na, nakaupo na si Travis noon sa harap ng dining table. At wala pa ngang dalawang segundo ng umupo siya sa harap ng dining table ng tumayo si Travis at lumabas ng dining area. Naiwan siya doong mag-isa. Hindi lang siya nasaktan sa ginawa nito, napahiya din siya. Kita nga din niya ang awa na bumalatay sa mga mata nina Lily nang masaksihan iyon. Nagpasalamat nga din siya dahil hindi nagtanong ang mga ito. At kahit nasasaktan ay pinagpatuloy niya ang pagkain. At simula niyon ay hindi na siya sumabay na kumain dito kahit na nagugutom na siya. At mukhang napansin iyon ni Lily dahil kapag tapos na si Travis na kumain ay doon na siya nito tatawagin para kumain na din, minsan ay dinadalhan na siya nito ng pagkain sa kwarto niya. At ayaw na niya iyong maulit dahil masakit sa pakiramdam ang maiwanan. "Hindi pa ako gutom, Lily," sagot niya kahit na ang totoo ay nagugutom siya. Napansin niya ang paninitig nito, alam niyang hindi ito naniniwala sa sagot niya. Pero lihim pa din siyang nagpasalamat dahil wala itong sinabi. Tumango lang ito. "Kukuha lang ako ng tubig kasi nauuhaw ako," dagdag pa na wika niya. Hindi na nga din hinintay ni Catherine na sumagot si Lily dahil humakbang na siya palapit sa kuhanan ng tubig. At nang pagkakuha ay nagpaalam siya kay Lily. Saglit niyang sinulyapan si Travis na hanggang ngayon ay seryoso pa din ang ekspresyon ng mukha bago siya humakbang palabas ng dining area.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD