LIANNE HINDI napigilan ni Lianne ang mainis kay Travis dahil pansin niya ang pagbabalewala nito sa kanya. Hindi kasi siya nito pinapansin, para lang na naman siyang hangin. His attention was solely on Tyler. Hindi naman biro ang ginawa niya para makasama siya sa lakad nito at ni Tyler. Kinausap nga niyang mabuti ang anak kagabi, tinuturuan nga din niya ito kung ano ang gagawin nito kapag kasama na nito ang Papa nito. Tinuruan niya ito na kapag aalis na ang dalawa para mamasyal ay isama siya nito, na sabihin nito sa Papa nito na gusto nito na kasama siya. At kapag hindi pumayag si Travis, umiyak ito at huwag itong tumigil sa kakaiyak kung hindi pumapayag ang Papa nito na sumama siya. At para magawa nga ni Lianne ang plano niya ay siya ang personal na sumama sa anak para ihatid ito kay

