UMUWI saglit si Catherine sa bahay para kumuha ng ilang damit ng Mama Cathleya niya. Sinabihan nga ni Catherine ang Mama niya na umuwi muna sa bahay at siya na muna ang magbabantay sa Papa niya pero ayaw nitong umuwi. Ayaw nitong iwan ang Papa niya doon dahil baka daw bigla na lang gumising at hanapin daw ito. At nang makita ang determinasyon sa mga mata ng Mama niya ay hindi na lang niya ito pinilit sa gusto. Hinayaan na lang ni Catherine ang Mama niya na manatili ito doon. Kaya nag-desisyon na lang si Catherine na siya na lang ang umuwi para kumuha ng gamit ng ina. Naisip nga din niyang ipagluto ito ng ulam para may lakas naman ang Mama niya na magbantay sa ospital. Kailangan nitong humigop ng mainit na sabaw para maging malakas ito. Napansin kasi ni Catherine na halos hindi nito galaw

