CATHERINE'S heartbeat raced as their noses collided. At mas lalo lang nagwala ang t***k ng puso niya sa sumunod na ginawa ni Travis dahil mukhang hindi ito kontento sa muntik nang pagdidikit ng labi nila, dahil talagang tinawid nito ang natitirang distansiya ng mga labi nila. Saglit lang nagdikit ang labi nila ni Travis dahil agad din nito iyong inilayo, pero iyong epekto niyon sa kanya ay sobra-sobra. It sent a shiver running down her spine. At parang wala lang dito ang ginawa nito dahil napansin pa niya ang kislap sa mga mata nito na para bang nanalo ito ng jackpot. "Balikan ko lang ang anak natin," wika ni Travis sa mahinang boses. At mabuti na lang at umalis ito sa harap niya dahil hindi na nito nakita ang pamumula ng pisngi niya. Even though Travis was no longer beside her, her h

