"CATHERINE." Napakurap-kurap ng mga mata si Catherine ng marinig niya ang baritonong boses na iyon ni Travis. At nang mag-angat siya ng tingin sa salamin na nasa harap niya ay nakita niya si Travis na nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanya. Pinagdikit naman ni Catherine ang ibabang labi nang makita niya ang paghakbang ni Travis sa gawi niya. Hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito habang nakatitig din ito sa repleksiyon sa salamin. She didn’t even bother to look back at him, her gaze fixed on the mirror. Huminto ito sa likod niya at hinawakan ang magkabilang balikat at saka siya nito marahang pinaharap. Hindi man lang siya nag-angat ng tingin para magpantay ang paningin nila. Kaya ito ang nag-adjust, yumuko ito para magpantay ang paningin nilang dalawa. "Are yo

