PINUPUNASAN ni Catherine ang basang buhok ng lumabas siya ng banyo. Pagkalabas ay sakto namang tumunog ang ringtone ng cellphone niya na nakalapag sa ibabaw ng kama. Humakbang naman si Catherine para kunin ang cellphone para tingnan kung sino ang tumatawag sa kanya. At nang makitang si Marie iyon ay agad niyang sinagot ang tawag nito. "Hello, Marie?" wika niya mula sa kabilang linya. Umupo nga din siya sa gilid ng kama para makausap niya ito ng maayos. "Ma'am Catherine." Mayamaya ay napaayos si Catehrine mula sa pagkakaupo niya ng marinig niya ang pag-alala sa boses ni Marie mula sa kabilang linya. "May problema ba, Marie?" tanong niya, hindi nga niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kaba ng sandaling iyon. "Ma'am Catherine, si Calvin kasi," umpisa nit

