GAYA ng makalipas na araw ay maagang nagising si Travis para maaga siyang makapunta sa bahay nina Catherine para sundin ito at sabay silang pumasok na dalawa sa opisina. Matagal na kasi niyang inaasam na makasama niya ito. Limang taon niyang hinintay na bumalik ito kaya kahit na maliit na chance na makasama niya ito ay susunggaban niya. Gusto niyang nakikita lagi ito, naririnig ang boses nito. Kahit na hindi siya nito masyado imikin o pansinin ay okay lang kay Travis, ang mahalaga ay nakikita at natitigan niya ito. That’s what matters most. Inayos naman ni Travis ang necktie na suot at nang ma-kontento sa hitsura ay humakbang siya palabas ng walk in closet. Diretso na din siyang lumabas ng kwarto at dire-diretso na din siyang lumabas ng mansion. Naghihintay naman na ang driver niya

