Chapter 135

1498 Words

"MOMMY saan po tayo pupunta?" tanong ni Calvin sa kanya nang makita siya nitong nag-i-impake ng gamit nito. Tumingin naman siya sa anak at nakita niya ang inosenteng mga mata nitong nakatitig sa kanya. "Babalik si Mommy sa Manila dahil may gagawin siya do'n at isasama kita, anak," wika niya dito. Gaya ng sinabi niya ng may sakit si Calvin ay nangako siya dito na kapag aalis siya ay isasama niya ito. And whenever she made a promise to her son, she always kept it. Ayaw kasi niyang makaramdam ng disappointment ang anak kapag hindi niya natutupad ang ipinangako niya dito. Ayaw niyang magtampo ito sa kanya kapag hindi niya nagagawa ang mga ipinangako. Kaya hanggang kaya niya, ginagawa niya. At kapag imposible naman, kung hindi niya kaya ay hindi siya nangangako dito. Napansin naman ni C

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD