HINDI alam ni Catherine kung ano ang gagawin ng sandaling iyon. Parang na-blanko ang utak niya dahil hindi siya makapag-isip ng maayos nang marinig niya ang pangalan ng bisita nila ng sandaling iyon. Hindi nga din niya napigilan ang mapasulyap sa anak na abala ngayon sa pakikipag-usap sa Papa niya. At nang sandaling iyon ay kahit na hindi siya nakatingin sa sariling repleksiyon sa salamin ay alam niyang mababakas sa mukha niya ang panic--dahil baka makita ni Travis si Calvin. Gaya kasi ng sinabi niya ay hindi pa siya handa na magkita ang mag-ama. "Catherine." Mayamaya ay inalis ni Catherine ang tingin kay Calvin at inilipat niya iyon sa Mama niya ng tawagin nito ang pangalan niya. "M-ma," wika niya dito, hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha. Ngininitian naman siya nit

