"SO, Catherine, how is the annulment process going?” Napatigil si Catherine sa akmang pagkagat sa burger na hawak nang marinig ang tanong na iyon ni Brad sa kanya. Nag-angat naman siya ng tingin dito at nakita niya ang seryosong ekspresyon ng mukha ni Brad habang nakatuon iyon sa kanya. Mula nga din sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya na natigilan din si Anna sa akmang pagsubo naman nito sa spaghetti nito. Napansin niyang nag-angat din ito ng tingin patungo sa kanya, mukhang interesado sa tanong din ni Brad. Catherine licked her lower lips. Hindi nga niya alam ang isasagot sa tanong nito, hindi kasi niya alam kung paano niya sasabihin na hindi natuloy ang pagpa-file niya nang annulment kay Travis. "Hindi mo itinuloy ang pakikipaghiwalay sa kanya dahil mahal mo?" mayamaya ay

