"I’m not ready to have a baby, Ma,” giit na sagot ni Martin sa inang patuloy na nangungulit sa kanya, na bigyan na niya ng apo ang mga magulang nito.
“You know it from the start that I don’t love her, Ma, kaya paano ko po kayo bibigyan ng apo?” dagdag na pangangatwiran pa niya.
Hinawakan ng ina niya ang balikat niya at marahang minasahe iyon. “But, son, she’s a good wife to you. What more can you ask for ‘di ba? Maganda, mabait at maalaga naman ang asawa mo, son. Why don’t you try to love her? Besides asawa mo naman na s’ya. Almost two years na rin kayong kasal, anak. Maybe it’s about time for you to love her? At para magka apo na rin kami ng papa mo,” patuloy na pangungulit naman ng ina niya.
Dalawang taon na silang kasal ni Daisy pero hindi pa rin niya ito magawang mahalin. She satisfied him in bed, kahit paano ay okay na rin iyon kabayaran sa pagtitiis niya na makasama ito sa iisang bubong. Tama naman ang mommy niya. Maasikaso, maganda at mabait naman ang asawa niya, kaya kahit paano ay ma-swerte pa rin siya kung tutuusin. Ngunit sadiyang kinakain pa rin siya ng galit para rito sa tuwing naaalala niya na sinira nito ang limang taong relasyon nila ng dating kasintahan na si Aprille. Dahil sa pamimikot na ginawa nito sa kanya nang malasing siya noon sa mismong kaarawan ng ina niya. Dahilan kaya hindi na nagpakita pa sa kanya ito. At sa tuwing naaalala niya ang lumuluhang mukha ng babaeng mahal niya ay mas lalo lang siya napupout sa kay Daisy, sa babaeng sumira ng masaya niyang buhay!
Hinilot niya ang sintido. "Look, Ma. Ipapaalala ko lang po sa inyo na kayo ang may gusto na ikasal kami. Dahil kung ako lang ang masusunod, wala akong balak na pakasalan s’ya dahil hindi ko naman mahal ang babae na 'yon," giit pa niya sa ina.
Tila naging tuod si Daisy sa kinatatayuan sa sakit sa mga narinig niya. Sanay na siyang nakakarinig ng kung ano-ano sa mula sa bibig ng ibang tao. At sanay na rin siya sa malamig na pakikitungo ni Martin sa kanya. Ang akala niya ay manhid na ang puso niya. Pero masakit pa rin pala na marinig buhat sa bibig ng asawa niya na hindi pa rin pala siya magawang mahalin ng asawa niya. Tumingala siya at pinigilan ang luhang nagbabadyang pumatak mula sa mga mata niya.
Don’t you dare cry Daisy! Don’t you ever dare to cry! Hindi ka na nasasaktan dahil manhid ka na ‘di ba? Kaya ‘wag na ‘wag kang i-iyak!
Umatras siya ng bahagya at akma na sanang tatalikod palabas sa bukas na pinto ng opisina ng asawa niya. Ngayon ay alam na niya kung bakit pinaderetso siya ng secretary ng asawa niya papasok sa opisina nito. Sinadya nito na marinig niya ang pag-uusap ng mag-ina para pasakitan siya. Gusto niyang sugurin ng sabunot at sampal ang secretary ng asawa niya nang makita niya na nakangisi ito na habang nakatingin sa kanya. Kinalma niya ang sarili. Dalawang taon na nga silang kasal ni Martin, at dalawang taon na rin niyang tinitiis ang pagmumukha at hindi magandang pakikitungo nito sa kanya. Kaya naman sanay na siya sa ugali nito. At hindi niya hahayaan na magtagumpay ito na makita na nahihirapan ang kalooban niya. Malalim siyang bumuntong hininga at nagpaskil ng isang pekeng ngiti sa harap ng secretary ng asawa niya. Pina-sexy niya ang sarili habang naglalakad palapit sa babae.
“Did you enjoy listening to their conversation?” nakangisi niyang sita rito.
“Minsan talaga iniisip ko hindi lang pagiging secretary sa asawa ko ang gusto mong i-major sa trabaho mo. Baka gusto mo na rin maging reporter ‘no? Bakit malaki ba extra pay ka ba dun?”
Tumaas ang kilay ng secretary ng asawa niya dahil sa sinabi niya.
“Sorry po ma’am, pero hindi ko na po kasalanan if naririnig ko ang kwento ng buhay ninyo dahil ako ang secretary/assistant ni Sir Harris.” ma pang inis na sagot nito sa kanya.
Nginisihan niya itong muli. “Ganun ba? Then why don’t you join us in our bed time? huh?"
Lihim na napangiti si Daisy nang makitang umasim ang mukha ng kaharap. Got cha! Pikon talo na naman ito sa kanya.
“Since malaki naman ang papel mo sa buhay ng asawa ko. Join us in our bed time. Para naman may taga bilang kung nakakailang round kaming mag-asawa. Then saka mo e-broadcast sa lahat kung gaano kalakas humalinghing ang asawa ko sa tuwing may ginagawa kami sa ibabaw ng kama namin. What did you think? Hmm?” mapang inis na sabi niya. Tinaasan niya ito ng kilay. “Pansin ko kasi puro na lang bad news ang pinapakalat mo sa mga kampon mong tsismosa! Why don’t you try something new this time? Para naman may bago kang maibalita sa kanila,” akma na sanang tatalikuran siya nito sa pagkapikon sa kanya.
“Wait. I hope you’ll consider my offer. Not every time I’m in a good mood,” aniya at nginisihan ito tsaka tinalikuran. “Just let me know kung kailan mo gustong maki-join sa amin ng asawa ko. okay,” dagdag na pang iinis pa niya habang lumalakad palayo rito at itinaas pa niya ang isang kamay at kinaway sa ere.
Pagdating niya sa loob ng kotse ay kaagad niyang hinitsya ang paper bag sa upuan. Nilutuan pa naman niya ng pananghalian ang asawa niya, pero hindi rin niya iyon na ibigay sa lalaki. Ilang minuto na siyang nakaupo sa driver seat pero tila walang lakas ang mga kamay niya na buhayin ang makina ng sasakyan. Napatingin siya sa wedding ring na nakasuot sa daliri niya.
Malapit na ulit tayong mag celebrate ng anniversary. . .
Malapit na ulit akong mag-celebrate mag-isa ng anniversary . . .
Hinawakan niya ang wedding ring na puno ng pait sa dibdib at pinagkatitigan iyon.
Hanggang kailan ka pa magiging malupit sa akin, Martin. . . Hanggang kailan mo pa ipaparamdam at ipamumukha sa akin na hindi mo ako kayang mahalin. . .
Ang mga luha na kanina pa nagbabadyang pumatak ay tuluyan na niyang pinakawalan. She never let anyone see her crying, even her best friend. Hindi niya kayang ipakita sa iba ang luha na gabi-gabi ay ang unan at malamig na gabi lang ang tanging nagiging saksi sa bawat hapdi at sakit na nararamdaman niya. Ayaw niyang kaawaan siya ng mga tao. Lalong-lalo na ng kaibigan nito na si Jhajha. Mahal niya ang kaibigan niya na iyon. Pero minsan kinakain siya ng ingit sa katawan. Bakit ang kaibigan niya dumaan din sa samu’t-sariing paghihirap sa lalaki na minahal nito. Naiingit siya kasi masaya at payapa na ito sa piling ng lalaki na mahal nito. At hindi lang iyon isisilang na rin ng kaibigan niya ang pangalawang supling nila ng asawa nito. Samantalang siya. . . Heto wala pa rin silang anak ni Martin. And worst. Hindi siya gustong bigyan ng anak ng asawa niya. Kaya naman before their wedding day. Martin asked her to take a pill. He told her that he's not ready to be a father. And not any more. Hindi daw siya ang gusto nito na maging ina ng mga magiging anak nito. Kaya she always make sure na umiinom siya ng contraceptive pill to avoid pregnancy.