Chapter 2

1235 Words
Matapos maligo ay sinipat ni Daisy ang orasan sa ibabaw ng stand stable na malapit sa kama nilang mag-asawa. Pasado alas diyes na ng gabi ay wala pa rin sa bahay ang asawa niya. Kahit kailan ay hindi nagpa-abiso sa kanya ang lalaki kung gagabihin ba ito ng uwi, o ‘di kaya naman e, kung san lupalop ito mapadpad. Mas mabuti pa nga ang secretary nito dahil pinapaalam niya kung saan pupunta. Samantalang sa kanya ay hindi. Pero okay na rin iyon. Kaysa naman kulitin pa niya ito at pagsimulan pa ng pagtatalo nilang mag-asawa. Matapos na suklayin ang buhay ay inabot niya ang pill organizer upang uminom ng isa. Pinagkatitigan niyang mabuti ang tablitas na hawak niya. Ano nga kaya kung hindi na siya uminom ng contraceptive pill? Baka sakali pag nagka-baby na sila e mahalin na siya ng asawa niya. Tutal matagal na rin naman siyang kinukulit ng mga mga in-laws niya na mag buntis na siya. Tama hindi na siya i-inom ng pill para magkaanak sila ni Martin. Siguro naman kung sakaling makabuo na sila wala na itong magagawa pa kung hindi mahalin at tanggapin ang bata. Tumayo siya at inilagay sa loob ng Inodoro ang tabletas na hawak niya. Sana tama ang desisyon ko na ‘to. . . Sana mahalin mo na ako Martin. . . *** Gigiwang-giwang na naglalakad si Martin papasok sa silid nilang mag-asawa. Malayo pa lang siya ay amoy na niya na ang shower gel at shampo na gamit ni Daisy. “Iyan ang gusto ko sa ‘yo eh, palagi kang mabango sa tuwing tatabihan kiya!” inisa-isa ni Martin na hubarin ang saplot sa katawan at kaagad ito na sumampa sa kama. Tsaka inamoy-amoy ang buhok ng asawa. “Hindi kita kayang mahalin Daisy, at kahit anong gawin mo, kinasusuklaman pa rin kita!" inis na hinaklit ni Martin ang kumot na nakatakip sa katawan ni Daisy. And there! She saw her wife’s perfect body shape, wearing a black satin lingerie. He gritted his teeth nang masilayan ang maputi at makinis na hita ng asawa. “You’re perfect sweetheart,” bulong niito kasabay ng pagdama sa mayabong na dibdib ng asawa. “I’m home sweetheart, I’m home," Kinagat nito ang strip ng lingerie ni Daisy palilis pababa. Unti-unti na nagising ang diwa ni Daisy nang maramdaman na ipinaloob ni Martin ang isang tungki ng dibdib niya. He groans over her breast. Habang ang isang kamay nito ay abala sa ibabang bahagi niya. Mahinang nagpakawala ng impit na daing si Daisy. Kung gaano katabang ang pakikitungo sa kanya ni Martin sa araw-araw na ginawa ng maykapal. Ibang-iba naman ito sa tuwing sinisipingan siya nito. Mainit at puno ng pagmamahal ang pinaparamdam sa kanya ng lalaki. Kaya marahil sa kabila ng lahat ng mga natatanggap niya na paghihirap mula sa lalaki eh napupunan naman nito sa ibang bagay. At isa iyon sa dahilan kung bakit hindi niya kayang iwan ang lalaki. Pumikit siya at ninamnam ang bawat sandali sa kakaibang sensasyon na pinapamalas sa kanya ni Martin. Minsan hinihiling niya na mas humaba pa ang gabi sa pagitan nilang mag-asawa. Kasi panigurado kinabukasan ay babalik na naman ang malamig na pakikitungo nito sa kanya. Isang mahabang daing ang pinakawalan ni Martin kasunod ang pagpuno nito sa p********e niya. Lihim na napangiti si Daisy dahil 'yun ang unang gabi na sinipingan siya ni Martin na hindi na siya uminom ng pill. Umaasa siya na mabilis silang makakabuo ng anak. “I love you, Martin. Mahal na mahal kita. Sana magawa mong tanggapin kung magkakaanak man tayo,” bulong ni Daisy sa tulog na asawa. Yumakap siya at pilit na isiniksik ang sarili sa katawan ng lalaki. Sa tuwing lasing lang naman kasi niya ito na yayakap ng mahigpit. O ‘di kaya naman eh pag natutulog na ito ng mahimbing saka niya isinisiksik ang sarili sa katawan nito. Madalas kasi na set-up ng tulog nilang mag-asawa. Nakatalikod si Martin sa kanya at siya naman ay nakatitig lang sa malapad na likod nito. Umaasa pa rin siya na darating ang isang gabi na si Martin naman ang magkukusang yumakap sa kanya ng mahigpit, at sasabihin sa kanya ang mga katagang “I love you,” bago man lang nito ipikit ang mga mata sa pagtulog. Sana maging kamukha mo ang magiging anak natin. . . Puno ng kasiyan at pagmamahal na sinuklay niya ang buhok ng nahihimbing sa pagtulog na asawa. Hindi siya mapapagod na mahalin ang asawa niya. Kahit pa paulit-ulit nito na pinaparamdam sa kanya na hindi siya nito kayang mahalin. Hindi naman kasi niya ito masisisi kung bakit ayaw sa kanya nito. Alam naman niya na hindi siya ang totoong mahal nito, at napilitan lang ang lalaki na pakasalan siya nito dahil sa pamimikot niya rito. Kaya naman tanggap niya kung malamig ang pakikitungo nito sa kanya. Ang mahalaga ay sa kanya ito umu-uwi at katabi niya ang ito sa pagtulog. Sapat na iyon at hindi na muna siya maghahangad ng mas higit pa roon sa kayang ibigay ni Martin sa kanya. Lalawakan na lang niya ang pang-unawa at pagmamahal sa lalaki. Kinaumagahan ay maagang nagising si Daisy. Kagaya ng kinagawian niyang gawin. Maaga siyang bumabangon upang ipagluto ng almusal at iprepara ang mga kakailanganin ng asawa niya sa pagpasok sa trabaho. At matapos na linisin ang lahat na pinagkainan, tsaka naman siya magpe-prepare sa pagpasok sa trabaho bilang fitness instructor sa sarili nitong negosyo na gym/wellness center. “Tumawag nga pala si Mommy, pinapasabi n’ya na punta daw tayo sa birthday ng Daddy mo. Then, isabay ba rin natin i-celebrate sa house nila ang wedding anniversary natin,” ani Daisy sa asawa. Inilapag nito ang tasa ng kape na tinimpla sa mesa sa gawi nito. “Ano sa tingin mo?” Sumimsim ng mainit na kape ang lalaki bago nagsalita. “Tell them we’re not coming," sagot ni Martin sa kanya. “Okay,” tipid na sagot niya sa asawa. Basta sinabi nito na hindi sa isang bagay, hindi na niya ito kukulitin pa. “Maaga ka bang makakauwi mamaya? Baka kasi medyo ma-late ako ng uwi mamaya. Binyag kasi ng anak ng assistant ko. Daan lang ako saglit sa house nila nakakahiya naman kung hindi ako magpapakita doon—" “Just do what you want Daisy, you don’t need to ask my permission every time you go somewhere or whatsoever,” putol nito sa kanya. Tumayo siya at kunwaring naghugas ng kamay sa tapat ng gripo. “Okay,” aniya na tila may nakabara sa lalamunan niya. “Eh, ‘yung wedding anniversary natin saan natin ice-celebrate?” kapagkuwan ay aniya habang patuloy na pinapaagusan ng tubig ang dalawang kamay. “Busy ako sa work. Ang dami ko pang kailagan tapusin na trabaho,” sagot sa kanya ng lalaki. She swallowed hard. “Hmm… okay.” Sagot niya sa sinabi ng asawa. Bumalik siya sa hapagkainan at ipinagpatuloy ang pagkain ng almusal. “I’m leaving,” pa alam nito sa kanya. At derederetso ito na lumabas ng pinto. Napabuntong hininga na lang siya na tumingin sa sumara na pinto. Kahit paano may pinagbago naman ang pakikitungo ng asawa niya sa kanya. Isa na doon ay marunong na itong magsabi sa kanya ng ‘I’m leaving,’ dati-rati naman kasi ‘ni ha ni ho ay wala itong pakialam sa kanya. Basta aalis at uuwi ito ng bahay without any single words left.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD