Matagal nang nakalayo ang ina ni martin sa harapan niya, pero siya ay hindi pa rin magawang kumilos sa kinatatayuan. "N-nabuntis ko siya?" Hindi pa rin makapaniwala na bulalas niya sa sarili. "M-magkaka-anak na kami..." aniya at sa wakas ay nagawa na niyang ihakbang ang mga paa balik sa silid, pagkapasok niya doon ay maingat siya na umupo sa isang bahagi ng kama. Pinagmasdan niya ang tulog na tulog na asawa tsaka pinaglandas ang daliri sa mahabang buhok nito, kasabay nang pag-re-reminisce sa nakaraan. "Hi! Attorney, " Napatigil sa ginagawang pagrerebisa ng mga dokumento si Martin dahil sa matinis na boses ni Daisy. Binaba niya ang dokumento na hawak at pagkatapos ay sumandal sa backrest ng swivel chair na kinauupuan nito sa loob ng opisina niya. Siya na naman... Kailan kaya mapapagod a

