Nang makatanggap ng tawag si Martin buhat sa secretary niya na may sakit ang anak nito ay nagmamadali siya na bumiyahe papunta sa hospital kung saan naka-confine ang bata, at iyon ay dahil sa pamamaga ng tonsillitis na sinabayan pa ng cough. Nahahabag na hinawakan niya ang maliit na kamay ni Martina saka hinalikan iyon. Napa baling siya ng tingin sa pinto ng bumukas iyon at iniluwa ang tagapag-alaga ng bata. "Bakit n'yo naman po hinayaan na kumain ng maraming chocolate and sweets ang bata?" tanong niya kaagad sa tagapag-alaga ni Martina nang lumapit ito sa gawi ng kama. "Eh, Sir, hindi ko po alam kay Ma'am Aprille. Nag-off po kasi ako ng isang araw, Sir. Pagbalik ko po ganiyan na, matamlay na si Martina. Mabuti nga po hindi na masakit ang t'yan niya eh. Kasi nang datnan ko ang bata suk

