"OMG! Coach!" Bulalas ni Athena nang makita na bigla na lang nawalan ng malay si Daisy, habang nagtuturo ito ng zumba sa mga student nito sa gym. M.W.F lang naman ang day schedule niya bilang isang zumba instructor sa mga gustong maging healthy and fit na mga kababaihan, may edad man o hindi. Mabuti na lamang at maagap na nasalo si Daisy ng mga kababaihan na tinuturuan niya kaya naman hindi siya tuluyang humandusay sa matigas na flooring sa loob ng gym. "Tulungan ninyo akong dalin si Coach, sa ospital!" Kinakabahan at natataranta na ani Athena sa mga naroon. Mabuti na lamang at ang isa sa mga student ni Daisy ay may dalang sasakyan, kaya naman iyon ang ginamit upang kaagad na maisugod nila si Daisy sa ospital. Habang nasa byahe papunta sa ospital, tinawagan ni Athena si Martin upang ipa

