Mabilis na lumipas ang limang araw. Dahil sa labis na pag-aalala ng mother-in-law ni Daisy ay pinauwi silang mag-asawa sa house ng biyenan niya, para sa ganon ay makapag pahinga siya ng mabuti. Mas mainam ang sariwang hangin sa katulad niya na nagdadalang tao. Naroon din ang kanyang ina, kaya naman natutuwa siya dahil nakapag-bonding silang pamilya. Masaya siya kahit pa hindi niya masabi kung ang ipinapakita na pag-aalaga sa kanya ni Martin ay totoo or napipilitan lang ito dahil sa utos ng ina nito rito. Ganun pa man ay okay na rin iyon sa kanya, simula nang ma-ospital siya at ma- discover ni Martin na buntis siya, mas malaki na ang pinagbago nito. May pamasahe pa iyon sa likod at talampakan niya, as usual ay dahil sa utos ng biyenan niya sa anak nito. Ultimo sa pagkain ay ito pa ang nagha

