'Ahhhhh! Bullshit!" Nanlilisik ang mga mata na sigaw ni Aprille at itinapon ang bote ng wine na hawak nito. Nangingilid ang mga ngipin niya sa galit ng ma-discover mula sa secretary ni Martin na buntis si Daisy, at kaya hindi nagpapakita kay Martina dahil naroon ito kasama ang asawa sa house ng parents nito at nagbabakasyon dahil maselan ang pagbubuntis ng babae na 'yon! "M-mommy!" Umiiyak sa takot na tawag ni Martina sa kanya nang makita ng bata ang basag na bote ng wine. Hinawak niya ang bata sa braso saka galit na hinila ito palabas ng silid na kinaroroonan niya tsaka pabalya na binitawan ang braso ng bata. "Yaya! Yaya!" Sigaw niya sa tagapag-alaga ni Martina. Mabilis naman at nagkakandarapa na lumapit ang tagapag-alaga ng bata sa kanya. "Kahit kailan ka talaga, ang tanga-tanga mo

