"P-pinaalis mo ng ura-urada ang Yaya ng anak mo, George? Bakit?" Bulalas na sita ng lola ni George sa kanya nang malaman nito na pinaalis din niya ng gabi na iyon ang madaldal na tagapag-alaga ng anak nito. "You think pag nawala si Analyn dito sa bahay mo maililihim mo ng matagal ang katotohanan sa kanya? Apo, walang lihim na hindi nabubunyag. At natatakot ako para sa iyo sa oras na bumalik na ang memorya ng Daisy na 'yan. Ipapaalala ko lang sa 'yo Apo, kasal pa din siya sa asawa niya, at maaaring bukas o sa makalawa, hindi natin masasabi kung kailan babalik ang alaala niya, kaya 'wag ka masyadong umasa na mamahalin ka din niya like how she love his husband. Ayokong sa huli ay masaktan at umasa ka, at lalong ayoko na pati si Kyline ay masaktan sa kasinungalingan na binuo mo sa isipan ng ba

