"Mommy!" Matinis na tinig ni Kyline ang sumalubong kay Daisy pag-]uwi nila sa bahay ni George. Masayang-masaya na yumakap ng mahigpit ang bata na sobrang nangulila sa ina. "C-clara?" Hindi makapaniwala na sambit ng lola ni George nang makita si Daisy. Ang babae na ikinuwento ni Calvin sa kanya, na kamukhang-kamukha ng namayapa na asawa ng apo nito. Nanlalaki ang mga mata na bumaling ito ng tingin sa apo, at pagkatapos ay muling ibinalik ang paningin sa gawi ni Daisy na maluha-luha habang yakap ng mahigpit ang bata. "Finally, nakauwi ka na po Mommy! I'm super happy! Yaya told me that you are in heaven, so you won't be coming home forever," nakasimangot na sumbong ni Kyline kay Daisy. Tila na nigas naman ang buong katawan ni Daisy dahil sa mahigpit na yakap na iyon ng bata sa kanya. Ana

