"Dok, the patient is moving!" Bulalas ng nurse nang makita na bahagyang gumalaw ang ulo ni Daisy. Gulat na napatayo si George sa kinauupuan kasabay ng malalim na paglunok sa kaba. Sa wakas ay nagising na rin ito sa loob ng tatlong araw. Mabigat ang mga talukap ng mga mata na unti-unti na minulat ni Daisy ang mga mata. Muli siyang mabilis na pumikit nang masilaw sa liwanag. "Anong nangyari sa kaniya, dok?" Nag-aalala na tanong ni George sa doktor nang makita na tila nahihirapan na magmulat ng mga mata si Daisy. "That's normal, Mr. De Guzman, sa loob ng three days ng patient na hindi nagising ay maninibago ito sa liwanag," anang doktor. "Let's wait for her to overcome the ray of light," he added. Maya-maya ay muling iginalaw ni Daisy ang talukap ng mga mata niya at sinubukan na idilat

