"Martin has a daughter with Aprille," ani Alex. "May anak ang kaibigan mo sa ex n'ya," ani Jhajha. Magkasabay na sambit ng mag-asawa nang ganap na silang nakaupo sa loob ng sasakyan. "Sinabihan ko na siya na dapat timbangin niya ang mga bagay-bagay. Kung hindi pa rin naman niya mahal ang kaibigan mo, mas mabuti nang maghiwalay na sila," kapagkuwan ay ani Alex sa asawa. Sinamaan siya ng tingin ni Jhajha. "Honey! Bakit mo naman sinabi 'yon? Kawawa naman ang kaibigan ko kung hihiwalayan siya ng kaibigan mo!" Maktol na sagot ni Jhajha sa asawa. "Mas mabuti na ang maghiwalay na sila kaysa naman pareho lang silang nahihirapan," aini Alex sa asawa habang nakatuon ang mga mata sa pagdadrive. "After all, your friend suffer a lot from their forced and one sided love marriage life," anito pa

