"Malay mo naman totoo ang sinasabi ng asawa mo, na kagagawan ng ex mo ang nangyari sa kanya kahapon?" Wika ni Alex sa kaibigan. "Hindi 'yon magagawa ni Aprille, hindi sa kinakampihan ko s'ya. She's a decent woman, though, may pagka party goer sometimes. But I'm sure na hindi niya magagawa ang mag bayad ng tao para gawan ng masama si Daisy." Giit naman ni Martin kay Alex. "How sure are you na hindi 'yon magagawa ni Aprille? Nakalimutan mo na ba na malaki ang galit ng ex mo kay Daisy noon? Actually pati nga sa 'yo galit na galit siya noon na halos isumpa ka na sa sobrang sama ng loob sa 'yo, dahil pinakasalan mo ang kaibigan ng asawa ko." Pagpapaalala na wika ni Alex sa kaibigan sa mga nangyari noon. "Nandito na siya sa pinas. At may anak kami," saad ni Martin. "Tsk. Mahirap 'yan...

