Tila binuhusan ng balde-baldeng malamig na tubig ang buong katawan ni Daisy, nang bumungad sa kanya ang anak ni Martin sa ex nito pagpasok niya sa kabahayan. Napalunok siya at pinigilan na mangilid ang mga luha niya. Kailangan ba talaga na isampal pa sa pagmumukha niya ni Martin ang anak sa ex nito? Sumikdo ang galit sa dibdib niya sa sama ng loob sa ginawang pag-uwi ng lalaki sa bahay nilang mag-asawa sa bata. Alam niya na hindi niya dapat idamay ang bata sa issue na meron silang mga adult. Pero masakit pala talaga na makita ang bunga nang pagmamahalan ng dalawa noon. Wala kasalanan ang bata Daisy.... Biktima lang siya ng pagkakataon. At kung hindi dahil sa ginawa mong pamimikot sa ama niya ay baka masaya sana silang nag sasama bilang isang buong pamilya. At kahit bali-baliktarin mo ang

