""Anong sabi mo? Inuwi ni Martin ang anak nila ng babaeng 'yon? sa bahay n'yo? Then okay lang sa 'yo 'yon? My God, Daisy! Malapit na talaga kitang pagawaan ng monumento mo sa sobrang ka gagahan mo. Bakit ka naman pumayag na gawin niya 'yon? Asawa ka pa rin niya kahit hindi ka niya mahal, kaya may karapatan ka pa rin na mag desisyon kung sino ang gusto mong patuluyin sa loob ng pamamahay n'yong mag-asawa," Mahabang litanya ni Jhajha sa kaibigan sa kabilang linya. Sandaling nilayo ni Daisy ang phone sa tapat ng tainga sa sobrang lakas ng boses nito at Malakas siya na humalakhak. "Oh, puso mo, baka mapanganak ka d'yan ng wala sa oras." Aniya sa naghihimutok na kaibigan. "Hay naku, mapapaanak talaga ako sa 'yo ng wala sa oras," ani Jhajha. "She's just a three year old tittle girl, labas

