"Aprille, nababaliw ka na ba? Kaibigan kita, oo. Pero alam kong mali na 'yang ginagawa mo, hindi ka ba natatakot na makulong?" Kinakabahan na wika ng kaibigan ni Aprille sa kanya, matapos marinig nito ang sinabi niya na kailangan niya ng tao na makakatulong sa kanya para gumawa ng fake DNA test result. "Hindi ako makukulong kung malinis at pulido ang tao na makikita natin, para gawin ang gusto ko," sagot niya . Handa siyang gawin ang lahat maging kanya lang ulit si Martin. "You know what, Aprille, wala akong maitutulong sa plano mo na 'yan, at alam mo naman attorney ang ex mo 'di ba? Sa palagay mo ba maloloko mo s'ya ng habang panahon? Hindi Aprille, hindi." giit nito sa kanya. Mabilis na dumilim ang mukha ni Aprille sa narinig na sinabi nito, hinawakan niya ito sa braso saka nanlilis

