"Huwag kang magpapakapagod, and don't forget to eat on time, okay. Basta tawagan mo ako pag may problema dito, at uuwi ako ka agad para sa 'yo." Walang katapusang bilin ni George kay Clara bago ito sumakay sa kotse. Bumaling ito ng tingin sa kasambahay. "Manang, 'wag na 'wag niyo po kalilimutan na palaging i-double check na i-lock ang gate at mga pinto, mas mabuti na po 'yun nagdo-doble ingat tayo." Bilin naman nito sa matanda na nangangasiwa sa buong kabahayan. Si Aling Norma, almost 25 years na itong naninilbihan sa pamilya ng mga De Guzman. Kaya naman ito ang ginawang numero-uno na nagsisilbi sa tahanan ni George dahil sa utos iyon ng lola niya. "Naku, hijo. Ilang beses mo na sa akin binilin ang bagay na 'yan, 'wag kang mag-alala. Ako ang bahala sa mag-ina mo, basta ang isipin mo ay a

