Tumuloy sila sa kusina, at naabutan nila roon si Nana Norma pinapakain ang bata. "Ahm, doon ka na lang siguro sa dining area habang pinag titimpla kita ng kepe mo," wika ni Clara sa lalaki. "Okay na ako dito, hindi rin naman ako magtatagal. Just a cup of coffee is enough for me," giit na sagot naman ni Martin rito. "Nakakahiya naman sa 'yo, pero ikaw ang bahala," nakangiti na ani Clara, saka hinarap si Aling Norma. "Nana, sige na po, ako na po ang bahala sa Anak ko. Pwede po ba na paki puntahan niyo sila sa labas at paki-turo niyo na din po kung saan ilalagay ang mga bigas na donate ni Attorney Harris," magalang na utos niya dito. Sa backyard kasi ng bahay ni George ay may storage na pinasadiyang ipagawa ng dating asawa nito para sa mga donation at repacking area din iyon ng mga volun

