Dahil hindi kinaya ang capacity ng storage area nila Clara ang 200 sacks of rice. Tinawagan ni Martin ang rice mill owner na pinag-orderan niya na sa ibang araw na lang ideliver ang natitirang 100 sacks pa. Inabot din sila ng tatlong oras sa pag diskarga sa 100 sacks of rice sa pagbubuhat papunta sa storage area. Nagpasya si Clara na tulungan si Nana Norma sa pagluluto ng pananghalian sa mga nagbuhat ng bigas. Ang tatlong kalalakihan ay may dalang extrang damit na pamalit kaya kahit nabasa ng ulan ang mga ito ay may damit na maisusuot. Samantalang si Martin naman ay wala. Kaya naman nag magandang loob si Clara na pahiramin ito ng damit ng asawa niya na naka-stock lang sa closet at hindi pa nagamit ni minsan. "Ay, Ma'am, ako na po ang magbibigay niyan kay Ser!" Palatak na prisinta ni Jenny

