Lumabas si Martin ng banyo pagkatapos ni Clara makipag-usap kay George. Mabilis naman na lumingon sa gawi niya si Clara nang marinig ang yabag niya. "Salamat dito, ibabalik ko na lang pag napa-laundry ko na," malamlam ang mga mata na wika niya rito. "Alis na din ako, may kailangan pa kasi akong puntahan," he added. Napalunok si Clara ng biglang naging malamig si Martin sa kanya. "S-sandali, attorney!" Pigil niya sa paghakbang nito palayo. "Uhm... Alam ko na napagod ka sa pagbubuhat kanina kaya... k-kumain ka muna bago ka umalis," alok niya rito. "Salamat na lang, pero kailangan ko na talagang umalis," sagot nito sa kanya at ipinagpatuloy ang paglalakad. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman niya. Pero pakiramdam niya ay may nagawa siyang mali sa lalaki kaya naging mala

