Mabilis na pinarada ni Martin ang kotse nang makarating siya sa lugar kung saan naganap ang aksidente. Dumadagundong ang t***k ng puso niya sa labis na kaba na lumabas siya ng sasakyan. kaagad siya na lumapit sa isang pulis na naroon at nagpakilala na siya ang asawa ng biktima. Kinuha ng pulis ang isang maliit na plastic at inabot sa kanya "Sir, ito lang po ang nakuha naming natitirang pagkakakilanlan ng pumanaw niyo na asawa," wika ng pulis sa kanya. Halos lumuwa ang mga mata ni Martin nang makita niya ang wedding ring ng asawa niya na laman ng plastic. Nanlalabo ang mga mata niya dahil sa pag-agos ng mga luha nang makita ang singsing ni Daisy. Napailing siya at tila nawalan ng buhay ang buong katawan. "Hindi... Hindi iyan sa asawa ko... hindi... hindi..." Humahagulgol sa iyak na pauli

