"I'm getting married." Ang pananabik na nararamdaman ko ngayon sa katawan ay nawala ng parang bula nang sabihin niya iyon sa akin. Para akong nasabugan ng bomba na nabingi na lang at napatulala. Nasa ibabaw ko si Samuel habang hinahalikan ang dibdib ko nang bigla nalang itong nagsalita ng tungkol sa kasal. Sinong ikakasal?! Tama ba ang narinig ko? Napatigil kaming pareho sa mga ginagawa namin at napaupo naman si Samuel sa gilid.
Para akong nabingi dahil sa narinig. Ikakasal na siya? Naguguluhan ako. Pinipilit kong basahin ang mga mata nitong nakatitig lamang sa mukha ko ngunit blangko ang reaksyon nito. Nanatili naman akong nakahiga rito sa malamig na papag na gawa sa kawayan. Ang lamig na nararamdaman ko ngayon ay bumabalot na ng paunti-unti sa buong kong puso habang pinoproseso ko sa utak ang sinabi niya.
"Lena?" tawag nito sa akin. Hindi ako umimik. Sana pinatay niya na lang ako. Kung ganoon na ikakasal na pala siya. Anong kalibugan itong ginagawa namin? Ano 'to? Bachelors party niya at ako 'yong babaeng bayaran na papatulan niya sa huling sandali niya bilang binata?! Ang gandang balita naman nito! Ang taong tanging minamahal ko ay ikakasal na sa iba. Naninikip na ang dibdib ko at nagsisimula na naman itong sumakit na parang tinutusok ng karayom. Inayos ko ang nighties na suot at yinakap ang sarili. Mas lalo kong naramdaman ang pag-iisa ko. Nakayuko naman si Samuel na nasa harapan ko na hindi na rin umiimik. Pareho kaming hindi nagsasalita at tinitimbang ang lahat ng nangyayari sa pagitan naming dalawa. Naglolokohan ba kami rito?
"Uy, congrats," nakangiti kong saad sabay hithit ng sigarilyo na bago kong sinindihan. Siguro kung nasa pelikula kaming dalawa ay best actress na ako sa pag-acting at sa pagtago ng nararamdaman.
"Pasensya ka na Lena," ani pa ni Samuel na hindi pa rin makatingin sa gawi ko. Ano 'yang drama niya? Naaawa ba siya sa akin? Kinakaawaan niya ako ngayon? Eh kanina lang para siyang baliw sa ibabaw ko na nagpapasarap. Hayop talaga eh, ginawa na naman akong uto-uto!
Umiling ako at ngumiti. "Ano ka ba? Okay lang, best wishes na lang sa inyo." Tumayo ako mula sa pagkakaupo at dahan-dahan akong naglakad papunta sa kahoy na pinto. Gusto ko ng makalabas dito dahil hindi ko na kaya pa na nasa isang lugar kami. Masyadong maliit na ang mundong ginagalawan namin ni Samuel. Hindi makabubuti sa akin ang patuloy pa na umasa sa kan'ya. Ikakasal na ang lalaki ngunit heto ako at nagpapa-alipin pa rin sa kan'ya. Napakawalang kwenta ko talaga!
"Lena? Saan ka pupunta?" Nakatalikod ako sa kan'ya habang tinatanong niya iyon.
"Uuwi," sagot ko.
"Malakas pa ang ulan Lena, mag-usap muna tayo," sagot din nito. Gago ba siya? Anong pag-uusapan namin? Kung paano niya ako niloko at pinaasa na naman dahil sa letseng pagbibigay niya ng motibo sa mga kilos nito sa akin? O pag-uusapan ba namin 'yong pangako niya sa akin na ako lang? Hinawakan nito ang siko ko upang pigilan akong lumabas. Pinaharap niya ako at sinandal sa pinto. Kitang-kita ko ang seryoso nitong mga mata na parang may gusto siyang marinig mula sa akin.
"Ano sa palagay mo ang ginagawa mo sa akin ngayon Samuel?" walang buhay kong ani.
"Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit Lena? Hindi ka ba magagalit?" Iba rin talaga ang sapak nitong isang 'to. Napuno na siguro ng kumpyansa sa sarili ang utak ni Samuel kaya kung makaasta ay pag-aari niya pa rin ako. Anong gusto niya? Umiyak ako sa harapan niya at lumuhod na sana ako na lang? Sana ako na lang 'yong babaeng maglalakad papunta altar habang sa dulo ay hinihintay niya ang pagdating ko? Anong gusto niyang makita sa akin? Ang pakiusap ko na ako naman ang piliin? Gusto niya bang makita kung paano ako magmakaawa?
"Ano ba Lena?! Sumagot ka naman!" sigaw pa nito sa akin. "Huwag mo akong tingnan ng gan'yan! Gusto ko marinig ang totoo mong nararamdaman!" si Samuel.
May magbabago ba kapag nalaman niya na ayaw ko siyang magpakasal? Mapipigilan ba ng hindi ko pagsang-ayon ang isang bagay na nakatakda ng mangyari sa kan'ya? Anong mababago no'n? Isa lamang akong babaeng naging bahagi ng nakaraan niya at luma niyang pagkatao.
"Anong gusto mo? Pigilan kita? May magagawa ba 'yon?" Natameme naman si Samuel sa tanong ko at unti-unting lumuwag ang pagkakahawak nito sa siko ko. "Iiwan mo ba siya para sa akin? Ano Samuel? Sumagot ka." Nagulat ito sa tanong ko at umiling-iling.
"H-indi n-naman sa g-gano'n," nauutal nitong ani. Nalilito ang reaksyon nito sa mukha habang mababa ang boses nito na nagsasalita.
"Ano ba'ng satisfaction ang makukuha mo ro'n kapag nagwala ako dahil sa sinabi mo?" seryoso ko pa ring tanong sa kan'ya. "Dahil ba sa ego mo? Dahil ba sa palagay mo ay tulad pa rin talaga ako no'ng dati na magagawang manlimos ng pagmamahal sa'yo?"
Puta man ako sa paningin ng ibang tao pero hindi ako pulubi. Tapos na akong magpakatanga noon. Tapos na tapos na. "Tama ba ang hinala ko Samuel?" dagdag ko pang tanong.
"Hindi Lena, mali ka ng pagkaka-intindi," natataranta na wika ng lalaki sa akin.
"Ikakasal ka na? Eh di congrats. May gusto ka pa bang marinig ha? Gusto mo ba'ng magpa-banda at magpa-banner pa ako?" natatawa kong saad. "Samuel naman, hindi na ako Nene. Alam ko kung saan ako lulugar."
"Hindi mo na ba naiisip 'yong pangarap natin dati?" Pangarap? Nakakatawa nga namang marinig iyon mula sa kan'ya. Kasinungalingan ang tawag do'n at hindi pangarap dahil sa huli siya na rin mismo ang pumako no'n. At ang pinakamasakit pa ay iniwan niya akong mag-isa habang pinili niya ang pangarap niya. Kaya wala siyang karapatan pa na ungkatin iyon muli. Para niya na ring binudburan ng asin ang matagal ko nang sugat sa puso.
"Anong pangarap ba? Sorry ha? Kung anuman 'yon ay matagal ko na sigurong ibinaon sa limot," sambit ko. "O siya, sige. Alis na ako," dagdag ko pa.
Hindi niya na ako muli pang pinigilan. Pagkalabas ko pa lang ay agad akong sinalubong ng mga butil ng ulan na mula sa mga nangingitim na ulap. Sunod-sunod naman iyon pumapatak sa katawan ko. Napahikbi ako at hindi ko na napigilan na umiyak. Halos matumba pa ako dahil sa dilim ng paligid at ang tanging ginagawa ko na lamang ay ang pangangapa sa bawat matutulis na bato na aking natatapakan para lang talaga makaalis na ng tuluyan sa lugar na 'to. Bawat hakbang ng paa ko ay parang may nakakabit na kadena roon na hinihila ako pabalik sa kubo. Ang puso ko ay nagwawala na at nais nitong manumbat sa lalaki. Napatingala naman ako at dinama ang bawat patak ng ulan sa mukha ko. Mukhang nakaramdam yata ang kalangitan sa kalungkutan na nararamdaman ko dahil sinasabayan ng ulan ngayon ang mga luhang namamalisbis sa pisngi ko. Ang sakit pala talaga. Ang sakit umasa na balang araw ay magkakaroon din ako ng pinapangarap kong pamilya. Sabay namin 'yon pinangrap noon. Sa akin siya nangako ngunit sa iba niya tutuparin. Siguro wala akong binatbat laban sa babaeng ihaharap niya sa altar. Hindi lang siguro talaga ako sapat sa kan'ya. Walang pinag-aralan at wala akong maipagmamalaki sa pagkatao ko kaya naghanap siya ng iba sa Maynila.
Tuluyan na akong nakaalis sa dalampasigan. Mahapdi ang mga paa ko dahil naiwan ko pala ang tsinelas ko dahil sa pagmamadali kaya nagkasugat-sugat ito na ramdam ko naman. Pero kung ikukumpara ang hapdi nito sa puso ko ay wala pa sa kalahati iyon. Ang bigat sa pakiramdam na kahit ay umiiyak ako nang umiyak ay mas lalo pa atang nadadagdagan ang sama ng loob ko. Kasalukuyan akong naglalakad sa malubak na daan pauwi habang walang sapin sa paa. Nakayuko ang ulo at patuloy sa pag-iyak. Basa na ang buo kong katawan at wala na ayos ang utak ko. 'Yong kubo na 'yon ang naging saksi sa pag-iibigan naming dalawa ni Samuel. I was 16, and he was 20 when our love story started.
Anak siya ni Aling Criselda na kapitbahay namin. Pero lumaki ang lalaki sa Maynila kung saan ito nag-aaral kasama ang papa nito. Hiwalay na kasi ang mga magulang ni Samuel. Nag-aral si Samuel sa Maynila at paminsan-minsan kapag bakasyon ay namamalagi ito rito sa Baryo Sta. Cruz kung saan naninirahan ang nanay niya. Unang kita ko pa lang sa kan'ya ay agad akong nakaramdam ng kakaibang atraksyon sa lalaki. Noong una ay kalituhan ang siyang laging naiisip ko. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nakikita ko si Samuel noon ay lumalakas ang t***k nitong puso ko. How should I know? Dise-sais lamang ako. Anong alam ko sa pag-ibig? Pasulyap-sulyap lang ako noon saan man magpunta si Samuel. Sinusundan ko ang bawat lakad nito. Kahit sa pag-inom nito ng tubig ay kinikilig ako. Iba ang epekto ni Samuel sa akin na kahit sa pagtulog ay lagi-lagi ko siyang naiisip. Nagsimula akong mag-ayos at magpaganda para mapansin niya ako ngunit bigo ako. Sa dami ba namang babae ang nagkakandarapa sa kan'ya ay imposibleng mapansin niya ang isang tulad ko.
Hanggang sa nakatanggap ako ng kakaibang sulat isang araw. Magmula noon ay araw-araw ng may sulat akong nakikita sa may bakuran namin na sa akin nakasaad. Isang sulat tungkol sa pagtatapat ng nararamdaman at may mga kasamang tula pa iyon para sa akin. Tumagal iyon ng ilang linggo hanggang sa lumantad na sa akin ang nagmamay-ari ng mga misteryosong sulat. Si Samuel pala ang nagpapadala no'n at ngayon na nga ay nagkalakas-loob na itong lumantad para magtapat ng nararamdaman sa akin. Itinago namin ang relasyon naming dalawa at pasimple lang kaming nagkikita kapag gabi na. Naging tagpuan namin ang abandonadong kubo na nasa tabi lang ng dagat. Gabi-gabi ay malaya kaming nakakapag-usap sa lahat ng pangarap namin sa buhay. He shared his dreams with me at nangako siya na kasama ako sa mga binuo niya na pangarap. Everything was perfect. Nakaya namin ang LDR relationship kahit wala pa akong cellphone noon. Puno ako ng positibo sa buhay at dahil iyon kay Samuel. Binigyang kulay muli nito ang buhay ko kaya nagsimula na ring lumakas ang loob ko para harapin ang anumang ibato ng tadhana sa akin.
Hindi naman ako binigo ni Samuel at ipinaramdam niya sa akin ang sarap ng pag-ibig. He was my first at hindi ko iyon makakalimutan. 'Yong unang gabi kung saan minarkahan ako ni Samuel bilang kan'ya. Saksi ang kubo sa marka ng pag-iisa ng aming mga katawan. Saksi ang dagat sa bawat ungol na namumutawi sa bibig ko kapag niroromansa ako ng walang tigil ni Samuel. Ang katahimikan ng gabi ang siyang naging musika naming dalawa kasabay niyon ay ang bawat indayog ng aming mga katawan na animo may iisang ritmo kaming sinusunod. Nagdulot iyon ng kapayapaan sa bawat puso namin na mas lalong nagpapaliyab sa aming nagbabagang pagnanasa para sa isa't-isa. Like a gardener in the garden, he plucked me like a beautiful flower na ang simbolo ng dagta ng bulaklak na iyon ay ang dugo ng p*gkababae ko. Palatandaan na isa akong birhen noong una niya akong maangkin. Binuo ko siya bilang isang ganap na lalaki ngunit ang sarili kong pagkawasak ang naging kapalit no'n.