Nagpalaboy-laboy ako sa kalsada habang umuulan. Pakiramdam ko ay naglalakad ako sa kawalan at ang tanging iniisip ko na lamang ngayon ay ang kawalan ko ng ganang mabuhay. Wala sa plano ko ang umuwing ganito. Ayaw ko nang dagdagan pa ang pag-aalala ni Mother Lily sa akin. Hinayaan ko ang mga paa kong dalhin ako sa kung saan nito gusto. Paano ko nga ba ulit matatanggap sa sarili ko na wala na talaga kaming pag-asa pa ni Samuel? Sa muli niyang pagbabalik sa buhay ko ay umasa pa rin ang puso ko na kahit papaano ay magkaroon kami ng pagkakataong ibalik muli ang dati. Handa naman ako eh. Handa akong patawarin siya. Ganoon naman di ba? Mahal mo eh, kahit ilang beses magloko ay magagawa mo'ng magpakatanga para lang hindi siya mawala dahil takot kang maiwan ng mag-isa. Pero bakit sadyang mapait ang timpla ng tadhana sa akin? Naninikip na naman ang dibdib ko habang tahimik na humihikbi. Ang sakit na ng dibdib ko na parang dinaganan ng malaking bato.
Ang maisip ko pa lang na masaya na si Samuel sa piling ng ibang babae ay parang ikamamatay ko. Nakikita ko sa isip ko ang mga ngiti nito habang kayakap ang magiging asawa niya. Magkakaroon sila ng anak at mamumuhay ng tahimik. Sabay silang magpapalaki ng mga anak nila at sabay haharapin lahat ng pagsubok ng buhay na magkasama at nagmamahalan. Ito 'yong plano namin noon eh. Ako 'yong kasama niyang bumuo nito pero sa ibang babae niya tutuparin lahat ng pinangako niya sa akin. Isang simpleng pangarap na ipinagkait sa akin ng pagkakataon. May galit ba ang kalangitan sa tulad ko na naghahangad ng simpleng buhay? Wala ba talaga kaming karapatang magmahal at mahalin ng buo? Hanggang dito na nga lang ba talaga ang mga buhay namin? Puro trial card na lang ba ako? Kahit ilang ulit ko na itong pinaintindi sa sarili ko ay hindi ko pa rin talaga tuluyang natatanggap ang buhay na mayroon ako ngayon. Pinagkaitan kami ng karapatan sa lahat ng bagay at ang pagdurusa lamang ang siyang lagi naming kasama. Walang katapusang pagdurusa! Araw-araw na lang, na kahit buhay pa ako ay para na rin akong nasa impyerno.
Mapait akong napangiti sa sarili ko. "Eh ano naman ngayon?" ani ko pa. "Mamamatay naman tayong lahat di ba? Impyerno man o langit ang patutunguhan ko ay wala na akong pakialam pa!" galit kong sigaw sa isip ko.
"Magsama kayong lahat na mga PUTANG*NA na mga mapanghusga!" sigaw ko. Hindi ko alintana ang oras at kahit alam kong pwede akong makabulabog sa mga taong natutulog ay wala akong pake. Nasasaktan ako ngayon. Walang may ibang alam ng pagdurusa ko kung hindi ako lang. Sa araw-araw na hinarap ko ang buhay ay hindi ko naranasan ang hindi pandirihan.
Napatigil ako sa paglalakad at mahina akong napatingin sa liwanag na nanggagaling sa may 'di kalayuan. Kahit nanlalabo ang paningin ko ay naaninag ko pa rin ang kapilya. Dahil sa paglalakad ay dinala ako ng mga paa ko sa simbahan. Tantya ko ay nasa alas-singko na ng umaga kaya siguro ay bukas na ang simbahan kahit napakalakas ng ulan ngayon. Pumasok ako sa loob at nakita ko ang maaliwalas na mga ilaw na nanggagaling sa altar. Napatitig ako sa sentro niyon kung nasaan si Hesus na ipinako sa krus. Sabi nila na nakikinig daw ang Diyos sa lahat ng hinaing ng puso mo. Kung lalapit ba ako sa Kan'ya? May pag-asa ba'ng mapakinggan Niya ang hiling ko? Kukunin Niya ba lahat ng paghihirap ko? Napasandal ako sa malamig na pader nitong simbahan at napahagulhol. Lahat na lang ng bagay na minamahal ko ay nawawala sa akin. Simula pagkabata ay hindi ko naranasan ang maging buo ang pagkatao. Namatay naman si mama sa mura kong edad at nakaranas naman ako ng pang-aabuso sa kamay ng step father ko noon. Umibig ako at nangarap ng buhay na kasama si Samuel ngunit pagtataksil at kabiguan ang siyang naramdaman ko pagkatapos. Hindi talaga patas ang mundo para sa ating mahihirap.
"Pagod na ako. Hirap na hirap na ako. Nakikita Mo naman di ba? Nakikita Mo riyan sa langit lahat ng paghihirap ko. Bakit hanggang ngayon ay hindi Mo ako magawa na iligtas mula sa kinasadlakan ko?" wika ko. Nakikipag-usap ako sa Diyos habang nakatuon pa rin ang mga mata sa altar.
"Isa lang naman ang hiling ko Sa'yo noon di ba? Ang simpleng buhay kasama ang mga mahal ko. Pero ang daya Mo. Una Mong kinuha si mama pagkatapos hinayaan Mo pa ako na magdusa. Diyos ka ba talaga?" tanong ko ulit. Yakap ko na ang mga tuhod ko at nanginginig na rin ako sa lamig. Nahihilo na ako at pakiramdam ko anumang oras ay hahandusay na lang ako sa sahig dahil sa pagod at sakit ng katawan.
Hindi naman nagtagal ay unti-unti na talagang pumipikit ang mga mata ko. Dahil sa lahat ng nangyari at pinagdaanan ko ngayon ay hindi na ata nakayanan pa ng katawan ko. Nanlalabo na ang paningin ko ngunit patuloy ko pa rin nilalabanan iyon. Gustong-gusto kong ilabas lahat ng galit ko sa katawan hanggang sa gumaan ulit ang puso ko. Gusto kong makausap ang Diyos para malaman kung totoo nga ba'ng nakikinig Siya sa lahat ng hinaing ng tao sa Kan'ya.
"Lord? Kailan ba ako naka-schedule na sumaya? Kahit ngayon lang Lord oh, hayaan mo naman akong makaranas ng kasiyahan. Kung totoong Diyos ka talaga ay pakinggan mo ang hiling ko." Isang ngiti ang siyang namutawi sa labi ko bago ako unti-unting bumabagsak sa semento. Mukhang magkaka-injury pa ata ako. Okay na rin 'yon. Kung mabagok man ang ulo ko ay sana matuluyan na lang ako at mamatay na. Nang akala ko ay babagsak na ako sa semento ay may malambot na bagay ang sumalo sa mukha ko.
Marahan nitong hinaplos ang pisngi ko kaya kahit nahihirapan ako ay nakuha ko pa'ng tingnan kung sino o kung anuman ang sumambot sa mukha ko. Hindi ko maituon ang mga mata ko nang maayos dahil sa nahihilo ako at umiikot na ang paningin ko sa mga bagay na nakikita ko ngayon. Ang naaninag ko lamang ay ang maliwanag na pigura ng isang tao. Ang liwanag naman ng taong 'to? Kaano-ano kaya 'to ni Lord?
"You're safe now," rinig kong ani ng isang boses. "You're safe with me," dagdag pa ng boses. Ay wow? Englishero?! Ang ganda ng boses nito na parang papasa na bilang anghel sa langit. May kung anong bumubulong sa akin na yakapin ang taong 'to kaya yinapos ko ang leeg niya habang karga niya ako sa mga bisig. Ang sarap sa feeling! Iyon ang huli kong natatandaan at tuluyan na nga akong nakatulog.
Limang minuto na ata akong nakatulala lang sa kawalan. Kakagising ko lamang at para akong galing sa pakikipag-wrestling dahil sa sakit ng katawan ko ngayon. Ilang beses ko na rin inilibot ang paningin sa kwartong kinaroroonan ko. Wala akong maalala bukod sa pag-uusap namin ni Samuel kagabi. Kinabahan naman ako nang naisip ko na baka sumama ako sa ibang lalaki at gumawa ng kababalaghan! Mas lalong binundol ng kaba ang puso ko nang makitang iba na ang suot kong damit. May suot na kasi akong puting t-shirt na panlalaki. Kinapa ko naman ang perlas ko at nakahinga nang maluwag. Suot ko pa rin naman ang underwear na suot kagabi. So, ano nga'ng nangyari?! Naghihisterekal na ako at hindi na ako mapakali. Hindi ko alam kung kaninong kwarto 'to at kung nasaan man ako ngayon!
Maigi kong inilibot pa ang paningin ko. Sinipat kong mabuti ang mga kagamitang mayroon ang silid. Maayos naman ang kwarto at mukhang malinis ito. May nakita akong bibliya at rosaryo sa may bedside table at napaisip ako agad. Bibliya? Rosaryo?! May nabubuong hinala sa isip ko pero nagdadalawang-isip pa rin ako. Kahit sinuman kasi ay pwedeng magkaroon ng rosaryo at bibliya. Hindi lang naman mga pari ang may access noon di ba? Bigla kasing sumagi sa isip ko si Father Lucho, 'yong bagong pari sa kapitolyo!
"Ano ka ba Lena! Hindi naman siguro." Mukha pa akong baliw na napatawa nang mahina. May kalayuan kasi ang kapitolyo mula sa bahay-aliwan. Siguro ay nasa humigit limang kilometro ang layo no'n. Huwag mong sabihing nilakad ko 'yon ng mag-isa sa kalagitnaan ng madaling araw at napunta sa simbahan? Imposible talaga!
Halos mapatalon ako nang marinig ko ang pagpihit ng siradora mula sa pinto ng banyo nitong kwarto. Agad-agad akong nagtulog-tulogan at nakiramdam sa paligid. Gusto ko sanang kutongan ang sarili ko sa mga panahong ito ngayon dahil hinayaan kong lamunin ako ng nararamdaman ko kagabi at nalagay ngayon sa ganitong pangyayari. Pigil hininga ako habang pinapakinggan ang mga yabag nito na naglalakad. Ang bango naman! Amoy safeguard at clear na shampoo. Isang palatandaan na posibleng kwarto nga talaga ito ng lalaki. My God! Anong kagagahan ba ang nangyari kagabi at wala akong maalala? Tumigil sa paglalakad ang taong 'yon sa may tapat ko at nakarinig ako ulit ng pagbukas ng parang kabinet.
Kukuha na ba siya ng damit? Napuno ng kuryosidad ang isip ko sa katauhan ng lalaki ngayon. Para akong sira dahil nakaramdam ako ng pananabik na hindi ko naman alam kung para saan. Nagising lahat ng cells ko sa katawan dahil sa bango ng taong 'to. Kahinaan ko pa naman ang mga mababango kaya para akong bulate na inasinan sa isip ko ngayon. Hindi ako mapalagay dahil hindi ako pinapatahimik ng utak ko. Gusto nitong masiplatan kung sinuman ang taong 'to na nasa harapan ko. Ilang ulit kong sinaway ang sarili ko dahil baka ikapahamak ko pa iyon. Pero talagang nagwagi ang pagiging matigas ng ulo ko dahil nagpadaig ako sa tukso.
Paunti-unti ay binuksan ko ang isang mata ko. Mabuti na lamang ay nakatalikod ang taong ito sa akin dahil pakiwari ko ay namimili ito ng susuotin. Sinuri kong mabuti ang likuran nito at napanganga ako dahil sa taglay nitong kinis. Putcha! Dinaig pa ang mukha ko dahil sa smooth ng texture ng balat nito sa likod. Malalapad ang mga balikat nito na may nakakaakit na leeg. Nakikita ro'n ang mga muscles niya kahit wala naman itong ginagawa ay lumilitaw pa rin. Ang gandang view naman nito! Pampalubag ba ito ng loob dahil sa nangyari sa akin kagabi? Bumaba ang tingin ko sa tuwalya na nakapulupot sa bewang nito. Oh sh*t! Ang tambok ng pwet. Hindi ko maikakaila na nasisiyahan talaga ako sa nakikita ko ngayon. Likod pa lang ng lalaking 'to ay ulam na. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng ganitong ka-perfect na likod. My back acne can't relate! Babae ako pero hindi gan'yan ang likod ko. Likod pa lang ng lalaki ay parang mapapa-ungol ka talaga sa tuwa!
Sumagi naman sa isip ko ang pilya na ideya. Matambok ang pwet nito may perfect na body figure. Siguro naman ay ganoon rin ka-perfect 'yong ano niya? Pepe akong napatili nang maisip ko ang bagay na 'yon. Ano ba?! Bihira lang ako makaramdam ng excitement lalo pa't lalaki ang pinag-uusapan kaya't pagbigyan niyo na ako. Kinikilig ako na parang ewan dahil lang sa likod nito. Malala na ako. Ganito ba ako katigang? Likod pa lang 'yan ha? Halos maglupasay na ako dahil sa perpekto nitong likod. Paano pa kaya kung humarap 'yan at tapos nakita ko ang mukha nito? Tapos guwapo pala hano? Kung nandito lang talaga si Marya ay baka hindi na iyon nagpigil at siya pa ang magpatiunang gumawa ng hakbang para maakit ang lalaki. Saang planeta ba kasi ako ngayon? Wala naman akong nakikitang ganito ka-perfect na tao sa baryo. Naputol naman ang pag-iisip ko nang nakita ko kung paano nahulog sa sahig ang nakatapis na tuwalya ng lalaki sa bewang nito. Parang nag-slow mo ang paligid at aksidenteng humarap sa akin ang katawan nito at nakita ko ang kanina pa'ng naglalaro sa isip ko na isang imahe.
Nakita ko ang simbolo ng mga kalalakihan! Nasa harapan ko iyon na matapang na sumasaludo habang ako naman ay hindi na maalis ang titig ko sa tayong-tayo nitong alaga. Halos mapamura ako nang makita ko kung gaano iyon kahaba na para akong masasampal niyon. Walang panama 'yong tanim ko na talong sa compound dahil sa haba nito! O Diyos ko?! Another minus points ulit ako sa langit. Mas lalo ata akong nadedemonyo nito. Ano ba kasing size niya? Tinitigan ko ulit iyon at sinukat ko pa sa isip ko.
"10 inches?" tanong ko sa isip.
Ang super puti naman ng alaga niya at napaka-perpekto nito. Mukhang ang sarap hawakan. Napailing na lang ako. Ano ba itong naiisip ko? Ang taba kasi at ang haba pa na maputi! Ano ka r****h? Favorite ko pa naman ang r****h. Nadudumihan tuloy ang image ng r****h dahil sa kung ano-anong iniisip ko.
Hindi ko na alam kung paano ko pa ilalarawan iyon. Basta na lamang akong napalunok ng laway ko. Hindi naman halata na naglalaway ako di ba? Sinong hindi? Hindi naman ako Santa para hindi pagnasaan ng very slight 'yong ano niya.
"Slight lang ba talaga Lena?" pagsingit naman ng isip ko.
"Gaga! Slight nga lang! Slight na x10!" bawi ko naman sa isipan.
Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko nang matitigan iyon ng maayos. Nag-init pa lalo ang katawan ko na para akong sinilaban. Naamoy ko kasi ang sabon nitong gamit. Amoy safeguard na pink! Honestly, pwede nang ilagay sa mga magazine ang alaga nito. Pang-model kasi eh! Nagbunyi naman lahat ng kalandian ko sa katawan. Nakalimutan ko kaagad na broken hearted pala ako dahil lang sa alaga nito! Ano 'to? Instant move on? 'Yong mala-r****h lang pala na alaga ng lalaking 'to ang katapat sa sawi kong puso. Char, ang landi ko!