Nagsimulang tumugtog ang pamilyar na kanta sa caset na nasa gilid ng stage. Ito ay ang sikat na tugtog galing kay George Michael na pinamagatang, Careless Whisper. Ipinikit ko ang aking mga mata habang dinadama ang bawat pag-indayog ng aking katawan sa tugtog. Nasa harapan ko si Mayor na ang mga mata ay nakatuon lamang sa ginagawa ko habang prenteng nakaupo. Isa, dalawa… kasabay ng pagbibilang ko sa aking isip ay ang bawat paghampas ng bewang ko. Sa tuwing nagsasayaw ako ay bigay todo kong ginagawa iyon. Kung mayroon man akong kinahihiligang gawin ay 'yon ay ang pagsasayaw ko. I can say that I'm good at it at na-eenjoy ko iyon.
Nang buksan ko ulit ang aking mga mata ay nagkatitigan kami ni Mayor kasabay nito ay ang senswal na pagkagat ko sa aking mga labi. Kitang-kita ko kung paano mabigat na nagtaas-baba ang paghinga ng lalaki sa harap ko nang masilayan nito ang aking ginawa. I know he is horny because of what I just did. Isang manipis na pulang nighties lamang ang suot ko ngayon. Wala akong suot na bra, habang manipis na underwear naman ang suot ko pang-ibaba. Dahan-dahan kong itinaas ang laylayan ng nighties ko kasabay ang marahang pagkembot ko sa aking bewang habang malagkit na tinititigan si Mayor sa mata.
"Lena…" nasisiyahan na tawag ni Mayor sa pangalan ko. Nagbabaga ang mga mata nitong tinititigan ang bawat parte ng katawan ko.
Nginitian ko lamang siya. The show has just started. Nagsisimula pa lamang ako ay parang gusto na akong sunggaban ni Mayor. Mabagal akong naglakad sa sofa kung saan siya naroroon habang hawak ko naman sa aking mga hita ang laylayan ng manipis kong nighties. Napatingin si Mayor sa hita ko at napalunok siya. Alam kong nakita niya ang underwear na suot ko na siya rin namang nagbigay sa akin niyon.
"Mayor," mahinang bulong ko sa teynga ng lalaki. Kasalukuyan akong nasa likuran nito habang mabagal na minamasahe ang mga balikat. Naramdaman ko pa ang biglaang pagtigas ng katawan nito nang mahawakan ko ang kan'yang mga balikat. Isang pahiwatig na masyado siyang kabado sa lahat ng ginagawa ko at naaapektuhan ang sistema niya dahil sa presensya ko.
"Lena, sabi ko naman sa'yo di ba? Leo na lang ang itawag mo sa akin kapag nag-sosolo tayo," saad nito.
Napahagikhik naman ako at bumulong ulit sa teynga nito. "Leo," simple kong tawag sa pangalan niya. Nahigit nito ang kan'yang hininga dahil sa narinig. Ganoon pa rin ang epekto nito sa lalaki sa tuwing tinatawag ko siya sa totoo niyang pangalan.
Ipinagpatuloy ko ang pagsasayaw pero sa pagkakataon na ito ay nasa harapan niya na ako. Maliit na distansya lamang ang pagitan namin at halos magdikit na ang aming mga katawan. Dahan-dahan kong ibinaba ang underwear na suot atsaka inihagis iyon sa kan'ya na nasalo naman ni Mayor.
"My God Lena! Papatayin mo ata ako, ahhh…"
Ilang taon kong sinanay ang sarili ko sa ganitong pagsasayaw. Lahat ng skills ay na-master ko na mula sa pang-aakit hanggang sa steps na gagawin para makuha ko ang atensyon ng mga kalalakihan. I honed my skills to perfection at wala ni sinumang lalaki ang makakahindi sa akin kapag nakita nila ako sa stage. Kaya nga naging private woman ako ni Mayor dahil ayaw niyang may ibang lalaki na nakakakita sa pagsasayaw ko. Masasabi kong possessive siya sa akin at naiintindihan ko naman iyon. Itinaas nito ang isang kamay at hindi na nito napigilan ang sarili na hawakan ang hita ko papunta sa dibdib ko habang patuloy pa rin ako sa pagkembot ng bewang ko habang napapakagat-labi dahil sa sensasyon na nanggagaling sa malalapad nitong palad.
"Hmmm…" Dahil sa kiliting hatid ng kamay ni Mayor ay napaungol ako. Kahit na hindi ko gusto bilang lalaki si Mayor ay hindi ko pa rin maipagkakaila ang taglay nitong kagwapuhan at kakisigan. Babae lang ako at may pangangailangan din kaya hindi ko pipigilan ang sarili kong magsaya rin sa piling niya. Lalo pa't kamukha ni Mayor si Brad Pitt. Papasa bilang hot sugar daddy ang lalaki kong nanaisin ko lang patulan ang alok nito sa akin. Ngunit may paninindigan ako. I don't want our relationship to be on that side. Noong una pa lang ay alam niya na trabaho lang ang lahat sa amin at walang personalan.
Tumalikod ako sa kan'ya para sayawan siya at makita niya ng buo ang hubog ng likuran ko at ang matambok kong pwet. I need to satisfy him somehow kahit na hindi na tumitigas ang alaga nito. It's my duty to fulfill his desires as a man. Kaya nga halos hindi na ako bitawan ni Mayor dahil sa kakaibang dulot ko sa kan'ya. He's a man afterall at wala siyang asawa kaya maghahanap talaga siya ng kalinga sa iba. Nakakaramdam pa rin naman ng pagnanasa ang katulad niyang may ganitong kapansanan. 'Yon nga lang ay hindi na kailanman niya magagamit ang alaga upang magpalabas ng init sa katawan.
He slapped my butt. Tama lang ang lakas niyon para makaramdam ako ng konting sakit na nagpainit din sa katawan ko. Hindi ako tumigil at mas lalong iginiling ko pa pababa ang bewang ko at kahit wala na akong suot na underwear ay nawala na iyon sa isipan ko. Mayor seemed so please with my dancing na napapahaplos na ito kabuuan ng katawan ko. Naririnig ko na rin ang mga ungol nito na halata namang nagpipigil ang lalaki.
"Don't hold back Leo. I'm yours for tonight," ani ko atsaka pumatong na sa kandungan ni Mayor na ngayon ay nakanganga na.
Napakapit na ako sa leeg nito habang nakasubsob na si Mayor sa nakaluwa kong dibdib.
"Lena, hindi ko na kaya!" Sinunggaban niya na ang mga labi ko at napapikit na lamang ako nang buhatin niya ang buo kong katawan. Ang dalawa kong paa ay napakapit sa bewang ni Mayor habang ang mga kamay ko naman ay nasa leeg nito.
We kissed. We danced and satisfied each other. Ganito kami lagi. Hanggang sa sumapit ang alas-tres ng madaling araw. Hudyat na aalis na ito dahi natapos na ang session namin sa gabing ito.
"Lena, ito, panggastos mo," nakangiting ani ni Mayor saka may inabot na sobre sa akin.
Nagulat pa ako at nagdadalawang isip na tanggapin iyon dahil no'ng isang araw lang ay nagbigay rin ito sa akin ng pera.
"Leo, may pera pa naman ako," sagot ko.
Umiling lamang si Mayor at inilagay sa kamay ko ang sobre.
"Sa'yo na, panggastos mo. Salamat Lena, hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya ngayon," galak na sabi ni Mayor sa akin. Lumambot naman ang puso ko dahil sa sinabi nito. Bago siya nagpaalam ay nag-iwan pa ito ng isang halik sa pisngi ko atsaka tuluyan ng umalis.
May ilang minuto pa bago ko naisipang lumabas sa VIP room at nagpunta sa pinakasentro ng bahay-aliwan na nasa baba. Hindi na masyadong maraming tao ang nakikita ko na nag-iinuman. Nang makababa ako ay agad kong hinanap si Marya. Ang alam ko ay fully book ngayon ang kaibigan. May private customer din siya ngayon. Nang hindi ko mahanap si Marya ay naisipan kong lumabas at magpahangin. Pero bago ako lumabas ay kumuha ako ng isang bote ng beer at isang kaha ng yosi. Everytime I do the did ay ito na lagi ang ginagawa ko pagkatapos. Inaatake kasi ako ng anxiety at ang dami kong iniisip na nagpapahirap sa paghinga ko.
Nagpunta ako sa tabing dagat. May ilang metro ang layo nito mula sa pinagtatrabahuhan ko. Isa ito sa mga lugar kung saan ako nagmumuni-muni. Wala namang ibang nakakaalam na may maliit na kubo rito kung hindi ako lang. Ito kasi 'yong dating tagpuan namin ni…
Nang napagtanto ko na kamuntik ko nang maisip na naman ang lalaking 'yon ay marahas kong pinukpok ang ulo ko. Hindi ko na dapat pang balikan ang alaala kong 'yon. Maingat akong bumaba sa mga batuhan. May mga malalaking bato kasi rito at may mga malalaking puno rin. Nakatirik naman ang maliit na kubong lagi kong pinupuntahan sa tagong bahagi ng mga naglalakihang puno rito. Napayakap ako sa mga braso ko nang dumampi sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin. Kasabay nitong dumapo sa katawan ko ang malagkit na tubig-alat na nanggaling naman sa dagat. Kahit na ang dilim ng paligid ay hindi ko pa rin magawang makaramdam ng takot bagkos ay naramdaman ko ang kapayapaang hatid ng naghahampasang alon sa dalampasigan.
Ramdam ko ang katahimikan ng gabi. Ang bawat tunog ng mga ibon na siyang lalong nagpapagaan ng dinadala kong kalungkutan. Maaliwalas ang panahon kaya kitang-kita mo ang mga bituin sa langit. Ang liwanag nila ang siyang tangi kong ilaw sa patutunguhan ko. I don't know how to describe the peacefulness I felt everytime I'm here. It became my safest place. Takbuhan ko sa tuwing gulong-gulo ang isip ko.
Nang makarating ako ay nagtaka ako kung bakit may ilaw sa loob ng kubo. Isang ilaw na nanggagaling sa lampara ang siyang naaaninag ko mula sa labas. Agad lumukob ang kaba sa dibdib ko. Kung may ilaw sa loob ay maaaring may tao ro'n. Ngunit sino? Dalawang tao lamang ang nakakaalam ng lugar na ito. Ako at si…
Kusang gumalaw ang mga paa ko patungo sa pinto ng kubo. Siya nga ba ang taong nasa loob nito? Ngunit bakit? Nagbalik na ba siya muli rito sa baryo? Para akong baliw na nanginginig. Nakikipagtalo pa ako sa sa sarili ko kung bubuksan ko ba ang pinto o hindi. Itutulak ko na sana ang pinto nang kusa na lang itong bumukas at tumambad sa aking paningin ang mukha ng isang lalaki. Sabay kami nagulat dahil sa presensya ng isa't-isa. Hindi ko akalain na makikita ko muli ang pagmumukha niya. Ang matignan siyang muli ay parang naulit lahat ng sakit na tinamo ko. Nanumbalik lahat ng pait at tamis ng nakaraan. Pareho lang kaming nakatitig sa isa't-isa. Hindi ko mabasa kung anong iniisip nito habang nakatitig lamang sa mukha ko.
"Lena," tawag nito sa pangalan ko. Nanindig lahat ng balahibo ko at mahigpit hinawakan ang beer na nasa kamay.
"Samuel," balik kong tawag sa pangalan niya. Nagbalik na muli siya. Nagbalik na muli ang lalaking bumasag sa puso at pagkatao ko.